ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

septiembre 29, 2004

  Some random facts about me:

* Just before typing this entry, there was a fire drill. I'm already in the computer lab at that time. Fortunately, I haven't logged in to Blogger (but was logged in to Friendster when it happened. Syempre, log off muna ako). Buti na lang at hindi pa kailangan i-scan ang ID muna bago pumasok because I'm still holding the tag with the PC # I'm using. Otherwise, I'll have to use my extra ID.

* Yes, I have an extra ID. I had it since last term. Ganito 'yon: nawala ko ang ID ko sa library namin nang 'di ko namamalayan. Akala ko kasi nailagay ko sa bag ko. Nakalabas ang ID ko in the 1st place kasi kailangan i-surrender bago ako maka-photocopy (nyaks! ngayong college ko lang ginagamit ang term nito regularly, thanks to my blockmates) ng mga libro na "for room use only". After photocopying, kinuha ko ang ID ko, tapos binalik ko ang mga libro sa mga kinalalagyan nila. Then, kukunin ko ang bag ko. Fast forward to the next day. 'Pag pasok ko ng school, akala ko na nasa akin pa rin ang ID ko. Para maka-pasok, kailangan i-scan ang ID. Nang ayaw tumunog ng scanner nang itapat ko ang wallet ko (dun usually nakalagay ang ID ko. Nababasa pa naman ng scanner ang ID ko through it), hinalungkat ko ang bag ko. Wala sa bag. So kumuha ako ng gate pass. Dito sa 'min, may minor offense ka kung nagfile ka ng left/lost ID thrice. May isang beses na akong nakaiwan ng ID... SA LOOB NG SCHOOL! Eh 'di dapat "lost" iyan. Fortunately, nasa Lost and Found nung sumunod na araw. May warning sa 'kin na nakakadalawa na ako. At that time, iniisip ko na baka naiwan ko sa bahay dahil nagpalit ako ng bag noong umaga 'yon. 'Pag uwi ko sa bahay, hinanap ko ang ID ko sa bag na gamit ko the day before. Wala ang ID ko dun. Patay! Nawawala talaga. Kailangan magpagawa ng bagong ID. Syempre, kailangan uli kumuha ng gate pass. That's my 3rd time na magfile ng left or lost ID sa college kaya may minor offense na ako T_T Yun lang ang offense ko so far sa kolehiyo. Bago ako magpagawa ng ID, pumunta ako sa Lost and Found in case na baka nandoon ang ID ko. Wala raw. Ayan, nagpagawa ako ng bagong ID and had to pay for it.

Some days later, bumalik ako uli sa library. Pumunta ako sa "room use only" books section para magpaphotocopy uli ng libro. Lahat nun (including the ones nung nawala ko ang ID ko for the 2nd time) ay para sa isang research paper which has a big share in determining my final grade at the subject it's in. OMG!! Nakita ko ang ID ko na nakadisplay sa desk ng librarian in charge sa section na 'yon. Hiningi ko yung original ID ko kaya 'eto, 2 ang ID ko.

* This is not the 1st time na nakawala ako ng ID, nagpagawa ng bago tapos nang may bagong ID na ako eh natagpuan ang lumang ID. It also happened to me in 2nd year High School, this time in an auditorium. I got it back a month later after being passed around by an undeterminable number of people. Ang nakapulot daw ay isa sa student council officers. Hindi ako popular nor kilala nung tao kaya pinasa-pasa ang ID ko hanggang umabot na sa akin. Back in the days na nakasabit sa 'yo ang ID by a necklace, by the time that I've entered High School, hindi na laminated ang ID; it's made of plastic tapos ang picture ay kinukuha through a digital camera tapos pinapiprint. In other words, parang ID namin ngayon na sabitan nga lang. Para makakabit sa necklace, may butas. Nagkaroon ng crack across the thin strip of plastic above the hole leading to the end of the card. Ang nangyari ay nahulog ang ID. Hindi ko namalayan na nahulog nang nasa loob pa kami ng auditorium kasi madilim tapos umalis na kami bago matapos ang palabas. Nang paglabas ko, napansin ko na nawawala kaya bumalik ako sa auditorium para hanapin 'yon. Hindi ko ito nakita. Palagay ko napulot na ng officer ang ID ko habang wala ako pero wala na siya nang bumalik ako.

* Speaking of losses, I left my jacket sa school kahapon. Buti na lang at may nagturn-in nito sa Lost and Found. Na-claim ko na siya kanina. Last year, I left the same jacket in McDo. Ang building namin ay nasa kabilang dulo ng La Salle as opposed to the end kung saan katabi ang McDo. Nasa classroom na ako sa 3rd floor at wala pa ang prof nang naalala ko na naiwan ko ang jacket ko. Syempre binalikan ko. Buti rin lang na hindi nagalaw sa upuan na nakasbit nito ang jacket. Hehe, by now baka iniisip ninyo na burara ako. Basta anything other than the bag where my school stuff are in na hindi ko usually dala (paper bags, plastic bags, jackets), may tendency ako makaiwan.

* I've just turned nineteen this month.

* Na-experience ko na ang pagpila sa tatlong klaseng adjustments ng La Salle: advanced, regular at special. Ang tanga-tanga ko at nagpila ako sa regular kung 'yun pala eh hindi para sa kaso ko. Nasayang ang birthday ko.

* Nabawi naman ang disappointment ko over the regular adjustment fiasco having a pahabol vacation over the weekend preceeding the start of the 2nd trimester. My birthday was on the week before the 1st week of the 2nd sem.

* Nag-absent na ako in all my subjects for this term except for my Genders class, which also happens to be my one and only class during Tuesdays and Thursdays, and Psycho1. Waiting in line for the special adjustment costed me an absent in Devpsyc, Elesta2 and Litera1. Kaya naman ako nag-adjust dahil para ma-add ko ang Elesta2. Nagkaroon ako ng absent sa Theoper kasi nag-overtime ako sa pagsasagot ng test for Psycho1. 1 lang subject ko tuwing Martes at Huwebes sapagkat tinanggal ko ang isa pang subject na TTh din ang sched to make way for Elesta2. Besides, I can't take that subject yet because I still need to take up its prerequisite. Ba't kasi nagclose na ang online enrollment eh 'di pa ako tapos sa pag-ayos ng sched ko. Nakasave ang sched but not submitted. Also, may mga mali sa course checklist, namely hindi nakalagay ang prereq ang ilang subject. Malay ko ba na hindi ko pa makukuha ang major na tinanggal ko dahil walang nakalagay na prereq except na accepted ka sa Psych program.

* Did I ever mention that I'm an AB Psychology student?

* In the past 3 weeks, I've took 4 standardized tests. You know, those IQ, personality, aptitude, etc. tests administered by your guidance counselor, or in the case here in DLSU, ITEO. They're all part of our Psychometrics 1 (Psycho1) subject. Mamaya, magsasagot nanaman kami ng 1 pang test. Maikli naman sila; hindi lalagpas ng 200 items. 2 were time-pressured while the rest are not. 2 deal with abstract reasoning, 1 has linguistic and quantitative ("Which number is next in this series?") items and 1 personality test. After answering each test, kami ang nagwawasto ng papers namin ay naghahanap kung ano ang corresponding percentile, stanine and description (High Average, Above Average, Average, Below Average, Low Average, etc.). Hindi naman puro ganyan ang gagawin namin. Magkakaroon din daw kami ng fieldwork. If there's any new learning about myself that I got from the results, it's that I do better when NOT under pressure. Hindi pa namin nachecheck ang personality test namin.

* Dahil bihira ako dumaan sa South Gate ng DLSU, I never knew where the ITEO office was. Yun pala ang nasa 2nd floor ng admissions office. May hagdanan sa gilid ng admissions office. Hindi mo makikita ito 'pag pasok mo at hindi mahaba ang pila, kung ikaw ay kukuha o magsusubmit ng application form.

* Nakabili ako ng tickets for the UAAP Finals Game 3 kahapon! Upper B seats XD It's better than General Admission; dulong-dulo na 'yon! Buti na lang at nakaabot pa sa akin ang tickets dahil ang daming tao, ang haba ng pila. Too bad na marami sa blockmates ko ang hindi makakapanood. Excited na talaga ako. This is the only game I'll watch live of this season and the 2nd live UAAP game in general (the other 1 being an ADMU vs DLSU game; the last match between the 2 last season. Yep, it was the semis). Sana manalo kami at walang pasok sa Friday.


revolutionized the world at 2:28 p. m. | | #

septiembre 23, 2004

  This is actually the 3rd attempt at having an update since the last time I posted an entry. I never published the other 2 due to sheer boredom of continuing. In other words, pareho silang bitin kasi tinatamad akong magpatuloy nun. Delete na lang.

Don't get me wrong. Maraming nangyari sa 'kin though these don't affect me much. I have the free time (it's the 2nd week of the 2nd term dito sa unibersidad. Wala pa masyadong nangyayari) pero tinatamad akong i-document ang bagong term nor what happened during the last week of our sem break (my birthday and the adjustment comes into mind). Ewan ko ba't hindi ko feel magblog 'pag may sipon (ok na ako ^_^). Nagquit na ako sa Ragnarok Online kahit na, given my sched this term, makakalaro ako. Gastos sa pera tapos kapag nagpatong-patong na ang mga academic requirements, wala rin. Ewan ko ba kung buhay pa ang account ko dun. Hindi nga ako naglaro nun during sem break. Nabibitin ako sa sem break namin. Kung kelan nakapagdownload ako ng scanlations ng Matantei Loki at kailangang i-unzip, nawalan ako ng oras at gana (but I still intend to view it. The scanlations cover tankoubon 1 and the 1st 2 chapters of the 2nd volume). Hehe, I'm checking out a number of titles as of late. Binabalak ko noon na bago magsimula ang term na ito ay sasali pa ako to at least 5 more fanlistings. Hindi natuloy. That's random ramblings for ya.

Gusto mo pang isama na game # 1 na ng UAAP finals ngayon. FEU vs DLSU. Wala akong ticket kaya wala ako sa Araneta para manood. Instead, I'm waiting for an advance make-up class to commence. Wala raw ang prof namin next week. Next time na lang yung recap. Pinapaalis na ako sa computer lab; may klase na gagamit.


revolutionized the world at 1:16 p. m. | | #

septiembre 05, 2004

  *Sighs* Tapos na rin sa wakas ang course card distribution nung Huwebes pa. Salamat sa Diyos at 1) wala akong bagsak; lowest grade ko is 2.0, at 2) umabot ako sa cut-off grade ko sa Elesta1 (cut-off is 2.0, got a 3.0); tanggap na ako sa major. TANDAAN NA SA AMIN YUNG 4.0 ANG HIGHEST GRADE AND NOT THE OTHER WAY AROUND. Sayang nga lang at ang GPA ko is 2.8 something. Pakshet, 0.2 na lang kulang ko! Hindi rin natuloy yung pinaplano para sa gabing 'yon.

In the meantime, nanonood ako ng Gundam SEED sa computer namin kasi hindi siya tumatakbo sa mga DVD player namin (puro cheap yung amin =P) . Buti na lang na hindi namin kailangan magdownload pa ng additional codecs para mapanood ko yun sa PC namin.

*****************************************************

Right now, may pinag-iintrigahan akong shoujo title. Full Moon wo Sagashite (Searching for a Full Moon) po ito. It's been out for a while. Tapos na ang manga at anime (52 eps.) nito, though nauna matapos ang anime kesa sa manga kahit na nauna lumabas ang manga. Ba't ba naman ganun ang ilang shoujo titles? Fruits Basket is one. Kung hinintay muna matapos ang manga eh may ma-correct sila. Ang Kareshi Kanojo no Jijou (His or Her Circumstances; KareKano for short), bitin ang anime kaya mapipilitan ka pa rin basahin ang manga para malaman mo kung anong sumunod. Magkaiba ang endings ng X the movie at X na anime pero ang alam ko hindi pa rin tapos ang manga dahil ang mangaka nito, ang CLAMP, has been holding it for their other projects. Ngayon pa lang eh may TRC at XXXholic sila. Naaalala ko tuloy ang sitwasyon ng Hakushaku Cain (Count/Earl Cain) ni Yuki Kaori. Lumabas na ito bago pa sinimulan ni Yuki-sensei ang Angel Sanctuary ngunit was also put on hold to make way for AS. Nang matapos na ni Yuki-sensei ang AS, binalikan niya ang Hakushaku Cain, now retitled as God Child. Matagal rin hinintay ng fans ito; 7 years!! In fairness, "shet, ang galing talaga magdrawing ni Yuki Kaori!" Nag-iba to the better ang art niya sa Hakushaku Cain, lalo na sa title character na si Cain Hargreaves. Iba itsura niya sa earlier works. Hindi nga ako makapagsave kasi akala ko baka ibang character pala iyon from another title. Ang bishie! IMO, Cain > Mudou Setsuna (protagonist ng Angel Sanctuary, sa manga art ha).

Other Cain goodies: 1, 2, 3, 4, 5

Hehe, nag-OT (off topic, hindi auti) na ako. Anyway, ang FMwS ay gawa ni Tanemura Arina. She also made Kamikaze Kaitou Jeanne, Time Stranger Kyoko and some other titles (in case narinig na ninyo ang 2 na nabanggit ko). Maglalabas nga raw siya ng bagong title this October yata. Dun nga pala sa 1st FMwS pic na na-link ko, from L-R: Takuto, Mitsuki and Eichi. Kung bakit nakatalikod sina Takuto and Eichi sa pic ay masasagot lamang ni Tanemura-sensei. Na-discover ko ito dahil sa paghahanap ng blog layouts. The art is pretty; nasa tao na lang kung type niya ang style. So I searched on what this is about at nalaman ko ang premise niya:

Kouyama Mitsuki is a 12 year old girl who dreams of singing. There are only 2 problems: 1) her grandmother does not approve of her singing and, 2) she's been diagnosed with a malignant tumor in her throat. To treat that tumor, her vocal cords must be surgically removed, leaving her voiceless.

One day, 2 shinigami (gods/deities of death, soul reapers, etc.) appear. The 2, Takuto Kira and Meroko Yui, collectively known as Negi Ramen, are surprised that Mitsuki can see them. It so happens that Mitsuki has only 1 year left to live. When Mitsuki learned about this, she pleaded to the 2 to help her reach her dream before she dies. The 2 give in and turn her into Full Moon, an older (16 years old), healthier version of Mitsuki. Full Moon has to look different because... well, lagot siya sa lola niya 'pag nalaman ng lola na sumaway siya sa kagustuhan niya ^^'

2 years ago, Mitsuki met an older boy named Sakurai Eichi. Mitsuki has a big crush on Eichi ^_^ Before they parted ways (Eichi was migrating to the U.S.), he said that they will meet again if both of them will reach their dreams. Knowing that her time is running out, Mitsuki wants to see Eichi again and the only way she could do it is fulfilling her promise to him that she'll become a famous singer.


The "girl wants to become a singer and with the help of 2 magical beings, turns into an older version of herself in order to audition and have a career" is not new to me. Anyone knows Fancy LaLa? Oo, nasubukan kong panoorin 'yon. That alone is not enough to get me hooked. What striked me is that the heroine, Mitsuki, is dying. That gives her a reason behind her action. Wala akong makitang ganyan sa Fancy LaLa. Then again, na-cornihan na ako bago matapos ang isang buong episode. Because Mitsuki is doing all of this for Eichi, it makes me wonder kung aabot ba kay Eichi ang balita. Does he even have the same feelings for Mitsuki? 'Eto pa, unlike sa Fancy LaLa na 2 magical creatures talaga na mukhang cute dragon plushies, the shinigami look like humans in their default state. Take Izumi Rio for example. He can pass as a human wearing wings. Because shinigami look like that, I wouldn't be surprised that there's a love triangle (polygon?) going on involving shinigami and those who are still alive. Oh, and shinigami do have a kawaii, animal state as you can see here. Meroko is represented as a bunny while Takuto is represented as a cat (catboy!!!XDD). Izumi is represented as a dog wearing the hat and upper garments that he wears, as seen in this picture. He's at the lower right corner, below Jonathan the ghost. Ang sarap gawan ng stationery!

Other pics:
Meroko, Mitsuki & Takuto - Takuto kinda looks like the protagonist of Hoshin Engi sans the sticking out of his tongue
SD Takuto and Meroko in their default clothing
Mitsuki and Eichi - gwapo ni Eichi dito
Mitsuki & Takuto - *points at their hands* Uyy...
Wakaouji and Ooshige - Wakaouji (the guy) is a friend of Mitsuki's father. Ooshige is Full Moon's manager and has a crush on Wakaouji ^_^ They're also the ones in the background except both have long, blond hair there XD
Takuto, Meroko, Izumi and Mitsuki
an "Alice in Wonderland" themed pic - Mitsuki=Alice, Meroko=White Rabbit, Takuto=Cheshire Cat, Izumi=Mad Hatter, and Jonathan=Queen of Hearts

Hehe, na-iintriga ako dito. I'd prefer getting the manga since the art is better there and there are some changes made in the anime, some of them significant, from what I've read. The anime, however has music, which plays an integral part in the whole story. Wouldn't it be better if a story that has something to do with singing has music in it? I'm most likely getting the anime kasi may makukuhanan ako; nakaplug siya sa blog ko XD Kulang ko lang ang pera dahil sa Gundam SEED. I've read reviews on this and a lot are praising FMwS. Mataas ang rating nito sa karamihan ng napuntahan ko. The 1st part daw ng anime is slow pero 'pag nakalahati ka na, nagiging emotional rollercoaster. Maganda raw ang ending ng anime. I haven't heard anything about the manga's ending. I've downloaded some scanlated chapters of the 1st tankoubon from Toriyama's World (damn Download Accelerator na pumapalpak sa account ko) and it's really interesting. Sayang nga lang at konti lang ang mahanap kong sites pertaining to FMwS. Yung pics na may sulat na http://tanemura.altervista.org is from an Italian site and is also the only one na may scans ng artbook. Yung ilang pics dun sa site eh doon ko lang nakita. Basta yun, isa pang title for me to try. Oh, and bishies ng FMwS > Nagoya Chiaki/Kaitou Sinbad (Kamikaze Kaitou Jeanne). Sa lahat ng nakita kong pics of the latter, parang mas malaki pa ata ang mata niya kesa sa mga mata ng karamihan sa FMwS cast. Then again, KKJ is an older title. Opinyon ko lang yun. Sana hindi ako i-flame ng kung sino man dumaan ng Chiaki/Sinbad fan ^^


EDIT:
Ang title ng bagong manga ni Tanemura Arina ay Shinshi Doumei Kuroso. Nilabas lang siya this month sa Ribon magazine (in Japanese. Click at your own risk). Malalaman mo na ito 'yon kasi pareho lang ang art style. Pakshet, mukhang Takuto na naging seryoso ang bidang lalaki! I got the info here and there's some scans here, because I'm too lazy to save the images then upload it =P

revolutionized the world at 2:25 p. m. | | #