ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

octubre 21, 2003

  Nagdagdag ako ng mga panibagong links (puro RO-related webcomics) at yung blog ni Shuro (akala ko ba plano niyang i-delete 'to?). Inayos ko na rin yung mismong parte ng blog kung saan mo nababasa mo ito para hindi mukhang bitin sa ilalim. Sa wakas rin at na-access ko ulit 'to pagkatapos ng apat na araw na ayaw lumabas ito o yung mga ibang blog at kahit www.thefanlistings.org! Kung nagtataka kayo, nasa Cybernook ako nung huling post ko. Syempre, halos lahat ng mga tao nag-Friendster. Nakakagulat nga kung sinu-sino ang naging members doon. Akalain mo, si e-kyub at si Cimber! Halos lahat din ng blockmates ko'y members din. Thrice na ako na-invite (yung una bago pa umabot ang fad na 'to sa block namin) pero hindi pa rin ako sumali. Nagdadalawang-isip ako nung una pero hihintayin ko na lang ang panahon nang ang mag-aalok sa 'kin ay isa sa closer friends ko sa block para sumali ako (mababasa 'to ng mga taga-TNTC ito).

Tsaka ko na lang din idadagdag yung 'Quiz Results' section kasi busy ako sa susunod na 2 lingo. Gising pa ako ngayon kasi tinatapos ko yung parte ko sa group report namin sa Inersci bukas. Tapos sa Huwebes, may isa pang report, para naman sa Inphil. Ito ang malas 'pag una kayong magrereport in more than 1 subject. Next week, midterms. Meron pa akong mga pinagagawa sa 'kin sa Swimming. Buti na lang at hindi ako ang researcher sa group report dahil may make-up quiz ako na kailangang abalahin - isang instruction manual tungkol sa paglangoy as in may terms, step-by-step procedure, atbp... kung maganda raw eh 'di gagamitin daw talaga ng La Salle. Naks!

While hindi pa ako makakabalik kaagad dito para mag-post (kahit gusto ko man lang), pRO webcomic fans might be intrested in checking out www.shadowmaidens.tk. It's the Shadow Maidens guild website. Sino ang mga Shadow Maidens? Sila'y isang all-girl guild sa pRO, more specifically sa Chaos server (sorry, nasa Loki ako). Basta check out ninyo yung screenshots and fan art. Meron din silang boards pero nakalimutan ko kung saan. Sa mga hindi naglalaro ng RO, you guys might be interested in checking out the members. Apparently, there's a Kristine Sofia Vinoya listed there. It's a small world after all? Hehe, nagkataon lang. What's more, kapatid niya ang webmaster ng The Midgard Ranter. Astig! Pero kung ayaw ninyo ma-apekto sa isa pang RL na sakuna, huwag muna kayo pumunta rito. Hindi ko kilala yung tao kahit sa RO but alam ko na siya'y isa sa nagsubmit ng 1 sa fanarts na ginamit bilang loading screen. Ang scary pa, La Sallian siya. She's the 2nd this month! *Naalala tuloy ang ex-seatmate niya.* Mukha ngang may October curse ang DLSU. Want to know more of the details? Puntahan ninyo ito: A tribute to a pRO player. Binabangit din daw yung tungkol sa kanya sa Friendster!
Nakakalungkot lalo na yung cause pero ganyan talaga ang buhay. Titigal muna ako before I delve on this FFO member who died of cancer earlier this year >_< Hindi ko aakalain na umabot sa ganito ngayon. Condolences po sa lahat na wala sa piling nating mga buhay pa.


revolutionized the world at 10:47 p. m. | | #