ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

diciembre 19, 2003

  Oh. My. Gulay.

WALA AKONG BAGSAK!!!

Wow! Kahit hindi masyadong mataas ang grades ko, ok lang basta pasado. Ayokong magsummer classes o magtake ng subject all over again dahil bumagsak ako. Ok sa 'kin ang sched ko sa 3rd term kaya ayokong madagdagan pa ng klase eh ang only subject namin dun na may prerequisite ay Englart. Pinakagusto kong sched pa rin yung sa 1st term namin dahil MWF siya pero kahit M-F pa rin kami, earliest namin ang 8 (tuwing Huwebes) tapos ang uwian namin tuwing Miyerkules at Biyernes ay 12:40 pa rin; ang pasok namin sa mga araw na 'yan ay 9:20 (pati din Lunes). Pasok namin ng Martes ay 11:20 tapos uwian ay 3:10 (same with Thursday). At least walang 7. ROTC ay 7:30 tuwing Sabado. kung nagCWTS ako eh baka hapon; tatamarin akong pumasok sa ganoong oras. Speaking of ROTC, konti lang kami sa block pero naaalala ko yung kinukwento ng 1 sa friends ng blockmate ko na nagCWTS kanina na pagdating sa Finals eh may binasa silang 6 chapters. Ayoko naman nun, much more yung pinabasa kina E-Kyub =P

Sa Intreco, nahatak pataas ang grade ko thanks sa final exam, special project at ang reporting namin. Naka-4.0 ako sa portfolio ko for Englone (himala!). Ibig sabihin n'yan eh baka ipakita ng instructor namin ang portfolio ko sa mga susunood na klase niya. Sinabi niya noong simula ng term at nang patapos na ito. Eek! Wala nagawa ang final exam ko sa Artapre para i-angat ang grade ko. 2.5 lang talaga. Sa likod nga ng course card ko doon, nilagay ng prof ko ang pre-final grade ko at midterm grade ko. Pareho silang 87 tapos final grade ko 87 din. That's 2.5 'pag converted. Nagtataka talaga ako since HS kung bakit mataas ang grades ko sa PE; madalas ito pa ang pinakamataas ko eh hindi naman ako magaling. I mean, 4.0 ako sa swimming kahit thrice na ako na-late eh ang mga late ko ay mga tuwing kakarating ko pa lang noong 2nd hour ng session. Feel ko ang mga pinakamataas na magbigay ng grade ay mga PE teachers (4.0 din ako sa dance). Yung amin pa ay ang head ng PE dept! Pero sa totoo lang, mabait siya. Ang maganda sa grades ko ngayon eh walang bumaba sa 2.0 unlike last term na may 1.5 ako mula sa Intphil prof nina Cimber, char at Shuro. 2.5 pa rin ang pinakacommon grade ko. Pwede na.

Nakakainis ang Inersci prof namin kanina. Pinahintay kami ng 10 oras bago namin makuha ang course card namin. TEN HOURS!! Ba't hindi na lang kami pinauwi't pabalikin sa Lunes para kunin 'yun imbes na maghintay kami sa hallway ng 4th floor, SJ building. Alam ko tatamarin yung iba sa 'min kung nangyari iyon pero malamang may pupunta dahil gustong malamang kung pumasa ba o bumagsak, o DL siya via computation for GPA. Originally, dapat noong 8 ang bigayan kaso nang pagdating namin, may nakapost sa labas na notice. Nakalagay dun na 2 na lang ang bigayan. Pagdating ng 2, hindi siya nagpakita until 4. Sinabi niya na maghintay ang block namin ng 1 oras dahil hindi pa siya tapos. 1 hour ha eh doble sa pinag-usapan nang ilabas. Hindi kami nagsialis dahil ineexpect namin na baka lumabas siya kaya imagine ninyo na lang kung gaano kami ka-bored. Nagtataka ako, she had a week to do it. Sana hindi ito maulit sa mga susunod na course card distribution days.

Napapaisip ako tungkol sa mga blockmates ko na muntikang magDL kaso may sablay noong nabasa ko ang blog ni bom. There's 1 of my frenships at yung 1 sa blockmates ko na binabantayan ng DO dahil questionable daw, among others (kung meron pang iba). Hindi sila DL last term, pero sayang. Sabi ko sa kanila na we still have have more terms to come kaya bumawi na lang sila doon. I don't know sa DL frenship ko dahil wala siya kanina kaya pinagkukuha sa 'min ang course cards niya. Kay Shuro naman, agree ako when she said na hindi dapat i-blame ang outcome ng grades namin sa Stay Away video. Kung bumagsak ako sa Intreco, I know well na tinatamad akong magnotes, magbasa ng textbook, makinig sa lecture at mag-aral. Hindi ko rin maintindihan ang teacher. Same with every other course that I took if it happened. Nagtiyaga na lang ako sa finals at projects dahil hindi mataas ang quizzes ko nor do I recite often. Ok, maybe mas maliit ang load ko sa Stay Away video than the others pero just the same, I spent my spare time working on it instead na mag-aral. Hindi kami nanalo, yes pero we did our best to make it. I guess it's how we prioritize and exert our effort into things kaya ganoon.

************************************************************************************************

Dito naman sa pamilya namin, my ate's moving out. She wanted to transfer to another company dahil hindi siya happy sa current work niya. Luckily, a company in Cavite had a job opening. The thing was yung job offered was a postion higher than her current position; pang-officer nga eh (malamang mas mataas ang sweldo). Natanggap ang ate ko so she's moving to Cavite para mas malapit siya sa bagong workplace niya. Ang layo nun mula sa bahay namin. May na-rent na kaming townhouse for her so ngayon, naglilipat at bumibili kami ng gamit for her. Bukas ko pa lang makikita ang bahay dahil last week, ginawa ko ang special project ko sa Intreco (12 pages). Alam ko things are not the same without her pero wala akong magagawa. Malamang lalaki ang mga responsibilidad ko sa bahay when the time comes. I wish her good luck.

************************************************************************************************

Sa dalawang Taong Troika na nagcelebrate ng birthday nila last Wednesday, BELATED HAPPY BIRTHDAY!=) To all my friends, next year ko pa mabibigay ang mga regalo ninyo. Sa mga nagbigay na ng regalo sa 'kin, salamat! Sa mga pumasa, congrats! Sa mga may sablay, bawi ka; yaka mo 'yan! Sa lahat, MERRY CHRISTMAS!!

revolutionized the world at 11:24 p. m. | | #