|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
enero 29, 2004 "Mas nakakapawis ito [street dancing] kesa sa volleyball!" ~ ako"I SURVIVED STREET DANCING!!!" ~ ako pa rin XD Yep, street dancing. Ito ang pinili ko for LEAP kasi wala nang available slots na maganda. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang LEAP, it stands for *silip sa Plaridel, ang official Filipino newspaper ng DLSU* Lasallian Enrichment Alternative Program *sighs*. Para siyang alternative class day sa old school naming mga taga-TNTC. Bale yung mga organizations ay nag-offer ng workshops, seminars, etc. Ang pagkakaiba lang ng LEAP sa ACD is that sa ACD, required ka mag-sign up in either a whole day session, or a morning and afternoon sessions. Ang sa LEAP naman, pili ka lang ng morning o afternoon session. Anyway, sumayaw nga ako. Sina Bom, Cimber, Shuro at Funyak ay nag-Judo. Kakapagod talaga. Basang-basa ako sa pawis tapos ang music namin ay "Happy", as in sa commercial ng ABS-CBN (Happy! Shalalala...). At least hindi ako na-LSS ^^' Nahihingalo na ako 30 minutes after kami nagstart. Ang kinatatakutan ko lang ay kung nakita ako nina Cimber at Funyak sa kabilang dulo ng 8th floor ng Sports Complex habang sumasayaw kami ng 5 of my college friends (yung ibang ka-grupo namin ay hindi ko kakilala) na nakaharap sa direction nila. Basta nakita ko sila sa labas ng room sa Judo after ng sayaw. Naglolokohan kami ng friends ko na next year, sign language naman. Sa susunod, aagahin namin magregister. ******************************************************************** Nag-upload uli ng additional pics ng PNE na kinuha kahapon ang blockmate ko. Dapat ipopost ko rito kaso nasa Cybernook uli ako, killing time habang hindi pa ako umuuwi. May appointment ako sa dermatologist mamaya dahil may mga butlig-butlig ang katawan ko. Kung si Bom ay napilitang gumamit ng deoderant na panglalake, bawal ako gumamit ng deoderant o antipersperant sa ngayon. Nasa underarm area ang rashes ko. Pinagbawalan din ako gumamit ng sabon (panligo ko ay yung body wash na prescribed sa 'kin ng doktor), loofa at bimpo. Twice a day na ako maligo, 1 sa umaga at 1 sa gabi. Kung anu-ano pang cream at ointment ang nilalagay ko sa mga butlig-butlig ko. Nakakaasar kasi every year since High School (except nung 3rd year), kung anu-ano lang ang nangyayari sa katawan ko na kinailangan ko pumunta sa doktor. Noong 1st year, nilagyan ng jacket ang front tooth ko dahil putol. Actually, grade 2 pa ako nung tinamaan ako ng water jug. Nilagyan ng pasta ang dulo ng putol na ngipin para magmukhang buo uli. Ang problema diyan eh matatangal din siya balang araw. Nangyari iyon noong grade 4 o 5, at noong 1st year. Dahil magastos kung paulit-ulit itong kakabitan, permante na raw itong huli. Nag-involve ito ng root canal operation kasi tinangal ang nerve sa particular tooth na 'yon (patay naman yung nerve tapos naka-anesthesia ako) tapos pinalitan ng poste tska na lang kinabitan ng porcelain jacket. Gabi-gabi pagkatapos ng klase nang ako'y pumupunta sa dentista (malapit naman ang clinic niya sa opisina ng parents ko). Ewan ko kung may nakakaalala pero dati, during classes, nahulog yung aking "cover-up". Chaffing naman ang sa 2nd year. Ang masama kasi ay dibdib ko ang naapektado nito. May sugat ako nun =( Sa gynecologist pa ako pinapunta. Syempre, nahipuan na ako dahil d'yan. Sa 4th year (dahil wala nangyari noong 3rd year) yung sobrang dry ang mga labi ko na mahapdi kung mamalat at cracked pa. Dermatologist na ang tumingin sa 'kin. Sa classmates ko last year, baka nakita ninyo ako na may petroleum jelly sa lips. Basta 'yun. Nakakabagot at kung anu-ano na lang nangyayari sa katawan ko. Kawawa naman ako! Sana naman walang sumunod for the next 3-6 terms. ******************************************************************** Kung hindi ako nagkakamali, birthday ngayon ni Haido-sama. Kung hindi, basta malapit na yung date, ewan ko kung belated o advance. 1st Death Anniversary ng tatay ko ngayon. Kay bilis talaga ng panahon; anniv na. Nakarecover na ako pero naluluha pa rin ako 'pag iinisip ko siya after some time. Natural naman 'yun, hindi ba? I miss him but things go on. I mean, 1 taon na ang nakalipas. Kung saan man ang siya ngayon, sana maligaya na siya. Itatapos ko na lang dito at baka mapa-iyak pa ako sa pagdadamdam dito >_<
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|