ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

enero 26, 2004

  Patapos na ang Enero eh gusto ko na magbakasyon uli. Why? I FEEL SO STRESSED ALREADY! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ganito kasi yun:
MWF - Gigising ng 8 a.m. Aalis ng 8:45. Nakakarating sa school ng 8:40 (FYI 8:20 ang pasok ko ;_;). Filipino = Boring. Englart = Sarap i-drop; burned out na utak ko sa Englone tapos wala ginagawa ang instructor namin. Just because she is 1 of the co-authors ng book na gamit namin doesn't mean na she'll go "Ok, read these pages then answer this activity blah blah blah..." Dahil research paper writing ang tinatalakay dito, nagpapakahirap ako sa paghanap at pagbasa ng references ko. Part of my misery is self-inflicted dahil ang topic ko is on the cease of fossil fuel consumption. Hey, at least it's not about pornography, genetic engineering, changing our gov't from presidential to parliamentary, etc. Taken na mga 'yan, not to mention cliche. Mauubusan ako ng libro n'yan kasi we're required to have it as the majority for our reference list (10 ang minimum ng total sources including articles and those taken from the internet albeit 3 lang ang allowed for the latter). Sociology = Ok kaso maraming pinapabasa. Ang mas daig magpabasa sa 'min kesa sa Socio ay JPRizal =P Tuwing Lunes, may Chemistry laboratory kami which at the most ends at 5:30 p.m. So far, we've always finished early. Basta at least 1 of these aforementioned subjects will give an assignment. The Mayana Habit has no place in my schedule dahil mahirap gawin ang nararapat na tapusin at the last minute.

TTh - If it's Thursday, dapat nasa Sports Complex, 7th floor na ako by 8 a.m. Volleyball kasi. After Volleyball, bihis tapos kain ng lunch then take Chemistry (lecture). I never enjoyed Chemistry; the 1 year and 2 terms without it didn't mellow my dislike for the subject. The prof is ok pero ayokong pagdaanan uli ang lessons. I said 'dislike' dahil hindi naman ganoon ka-tindi ang asar ko rito para mag-drop. Oh, and every meeting, may quiz kami lagi before the discussion eh yung coverage ay mga pinapabasa pa lang. Genpsych is interesting kaso yung prof namin ay boring magturo. At least she's not as bad as my Englart instructor. Sa JPRizal ako'y pinaka-ayokong matawag kung hindi ko maintindihan ang pinapabasa sa 'min. Laging warning sa amin ng instructor namin na kapag 2 ang natawag niya tapos hindi sila makasagot, magkakaroon ng quiz *shudders*. Malamang may assignment uli na ibibigay, usually mula sa JPRizal na tipong babasahin.

Sat - Gigising ako ng 5:30 a.m. Dapat nakaalis na ako ng bahay by 6:30 and I should arrive sa school before 7 dahil sa ROTC. Kaya ko pinili ang ROTC over CWTS is because 1) ayoko pumasok ng after lunch (traffic!), b) dahil labas ka ng labas outside the university, minsan even out of town, I'm not sure kung mapapayagan ako sa lahat ng outings eh dapat makakasali ka sa lahat; wala kang choice na hindi sumama, c) IMO ROTC seems more interesting because sa 1st term ng CWTS, puro orientation while sa 2nd puro bahala kayo lumabas sa iba't-ibang community para magawa ninyo ang proyekto niniyo. Sa ROTC, there's combat training, marksmanship... gusto ko nga magmedic. Hindi ko binabasa yung mga parts sa blog ni bom about ROTC at baka ma-disappoint ako. I'm not expecting too much of it though considering na puro orientation pa lang so far. It's boring but I think I can handle standing under the heat of the sun for 6 hours. Sa ngayon, nagpoproblema ako sa uniform ko.

Sun - Gigisingin ng maaga ng nanay ko para magsimba. Pagkatapos, kain ng tanghalian then attend French class from 2-5 p.m. Hinatak ako ng ate ko into this eh nakakahiya na magdecline bago pa nagsimula ito since bayad na ako sa fee. Nakaka-3 meetings pa lang kami pero so far, may natutunan ako. I know there's a long way to go pa pero kung hindi lang ganito ka-hectic ang academics ko eh I'm willing to advance.

Ayun, medyo pagod ako ngayon-ngayon at halos wala sa bahay. I would like to write something else after this but I need to go. Nasa Cybernook ako ng library namin ^^ Marami akong gusto ilagay pero alas, time is fleeting swiftly. Halos non-existent ang week-ends ko nga eh. Wish me luck na madadaanan ko ang term na ito without collapsing (ROTC included dahil nakabilag nga ako sa init ng araw) or experiencing a nervous breakdown (exagge!!!XD).

revolutionized the world at 5:46 p. m. | | #