ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

febrero 16, 2004

  1st and foremost, Belated Happy Valentine's Day. I was very buzy during the weekend plus I don't celebrate it. Dami kong kailangang i-type for Englart (puro handwritten ang mga nagawa ko unless stated dahil pinagbawalan kami ng utol ko na gumamit ng computer during weekdays ;_; Nagflunk yung kapatid ko dahil sa pagka-addict niya sa pRO) tapos meron pang paper for Introso. Bad timing at nagkavirus kami!T_T Tinatamaan ako nito kasi ang ginagawa nung virus ay magpagulo ng word processors (such as MS Word, WordPad, etc), HTML editors (tulad ng nasa Blogger)... basically those that need typing para mag-input ng data. Bigla magkakaroon ng random word o character every second na idle ka, or magbubura ng highlighted text. Mahirap gumawa ng typewritten output; stuck din ako sa layout ko for the time being. Kung oras na magprint, biglang may lilitaw na salita na hindi dapat kasama sa print-out. This is worse than the last virus we encountered, which happened a few years ago. Ang ginagawa naman nun ay biglang may error sa kahit anong program na tumatakbo every after 30 minutes of use. Kapag ilang beses na mangyari ito, blank screen ang lumalabas. At least save ako ng save after each paragraph pero even after a few times of saving, nagpapakita ang error message (yung blue screen) or the blank screen.

Meron kaming virus scan na naka-install sa computer namin. Kaso, expired na ito kaya kailangang magsubscribe. Ang bayad: in dollars. Pwede kong ipakiusap sa nanay ko about the subscription pero hindi mag-uupdate ang virus scan lest ang account na gamit ay pang-administrator. Windows XP ang computer namin eh may separate accounts kami. Advantage sa sariling account ay pwede kong i-customize ang desktop (wallpaper, screensaver, icons, sound effects, etc.) at i-set ang programs na maging available sa 'kin, of which hindi apektado ang settings na iba. Ang ginawa ng ate ko ay ginawang administrator ang account niya habang kami ng kapatid ko ay limited. 'Pag limited account, hindi ka pwede mag-install o magdelete ng programs; iba 'yon sa gawing available sa account mo ang program o hindi. Bale hindi ma-install ang updates kung magsubscribe kami at 'di rin kami makaka-install ng panibagong virus scan. Dapat nandito sa Maynila ang ate ko for that (nasa Cavite siya). Dulot ng dilemma ay ang sakit sa ulo ko at hindi makakapag-update for a while. Please bear with me.

revolutionized the world at 6:00 p. m. | | #