|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
febrero 17, 2004 As usual, nasa Cybernook ako. My last post was also done in here, and so does some previous entries as well. I could go sa other computer labs around kaso baka may klase doon. Na-experience ko ang magbutt-in sa isang class before. Buti na lang at kakasimula pa lang. Nagulat ako nang biglang may roll call. Pwedeng magsurf sa internet dun as long as walang class there. I came in early eh konti pa lang ang mga tao kaya ang assumption ko was free period nun when that happened.Na-inspire ako sa latest post ni Cimber about personality types kaya I took the Bloginality test again. I know the results aren't accurate kasi pipili ka from sets of statements. Napapansin ko na I have some of both options na pinapapili sa 'kin per question pero syempre, it all boils down to the one that fits best. Also, kung alam mo what the I/E, N/S, T/F and P/J mean, pwede mong doktorin ang mga resulta since sets of statements ang choices. Noong nasa High School kami, we took up the standardized version of the test. At least doon, isang sagot (statement) per number. I got ISFP (though lamang ng 1 point ang S over N ^^'). When I read about this personality, manghang-mangha ako sa kung gaanong totoo ang description sa 'kin at that time. Fast forward sa 1st schoolyear in college ko. I took the standardized test again noong 1st term. Wala pa ang results. In the meantime, kinuha ko ang sa Bloginality. Being familiar with the ISFP personality, alam ko ang pipiliin ko para 'yon ang lumabas. I can't say if it's the same with the official test. When I assessed it with who I am now, feel ko nagbago ako kaya 'di tama yata ito. Kinuha ko nanaman, this time trying to be as honest as possible at ang lumabas ay ISTP. 'Eto ang sabi ng Bloginality about ISFP: Because you are in touch with the inner-artist, you see things heavily in relationship to your feelings and their beauty. You may not be as likely to have a public site, because you feel better sharing with only those who are closest with you. Ang say ko: There are things that I don't mention in here but nonetheless, having a blog is something I'm ok with basta hindi babasahin ng pamilya ko (nababanggit ko sila ng 'di nila nalalaman... probably my younger brother pwede pa because the damage was done =P). Ang sa ISTP naman: Because of your desire for action and independance, you will change the format of blogging or design frequently to keep it interesting and different. Your loyalty may have you reading the same blogs over a long period of time. Even though you could be easily bored with blogging, you might find that because you like following a project through, this is a good way for you to use your alone time to sort the facts you pick up through the day. Ang say ko: Gusto kong palitan ng layout ang blog ko kaso may problema sa computer namin. I do keep coming back sa blogs that I've linked here though that's because kilala ko ang mga tao (except si Syun) at interesado akong malaman on what's going on in their lives; bihira kong makita ang HS barkada ko, be in the same university as I am or not. Maybe if a person na 'di ko kilala asks na makipag-exchange kami ng links, papayag ako at pupuntahan ko yung blog niya regularly (read: 'pag nakakagamit ako ng internet) para makilala yung tao. I won't delve yet into more info about the 2 personality types dahil hindi ko pa nababasa ang mga in-depth descriptions ng ISTP. So far, parang mas tama na ISTP ako ngayon. Syempre, hinihintay ko pa ang mga resulta ng standardized test so I shouldn't put the new result into much thought. May mga bagay na dapat alalahanin ko pero ayokong pag-isipan kanina. Ngayon ang oras para sa mga 'yon.
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|