ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

marzo 25, 2004

  By request, may update na.

Birthday ni E-Kyub kahapon kaya Belated Happy Birthday sa kanya. Na-greet ko na siya kahapon through text and it went something like...

ako: naks, gurang na b?
siya: d ko pa fil!

XDD

Sa bagay, 'di ko pa rin feel kahit kalahating taon na ang nakalipas since birthday ko. Paulit-ulit pa rin akong sinasabihan ng ate ko na "Grow up!".

***************************************************************

Nakasalubong ko si Bom kahapon. Parehong dismissal na namin nun. Napaisip ako na hanggang ngayon, ginaganahan akong makipag-usap sa kanya. Bihira ko siyang makita tapos on hiatus ang blog. Nang pauwi na ako, nagtext ako sa kanya ng "Sorry" dahil ang daldal ko. Sina Jena, hindi ko pa nakita since... April 1? Kahit na hindi ako maka-relate sa usapan nila, minsan nakikisama ako kina Cimber na parang saling pusa (pun intended) just to hang out with them for a short while. Hindi ako gaanong nakipag-usap sa iba tulad nina E-Kyub nang nag-graduate na kami ngunit gusto kong alamin kung kamusta na sila. Masyado akong mahiyain ngayon. Namimiss ko na talaga ang HS barkada ko lalo na sa sitwasyon ko ngayon sa mga kasama ko sa college.

Ewan ko ba at kahit mga maliliit na bagay pinapansin ko. Kanina, yung "frenships" ko (may quotation marks na kasi katakataka sila) were wearing matching bracelets. All 5 of them, parehong itsura at kulay. Nang tinanong ko yung 1 sa kanila kung saan nila binili o sino nagbigay, hindi niya masagot sa 'kin. Uwian na non eh itong nakausap ko nasa loob pa ng classroom. Lumabas ako at nakita ko nakatambay sa hallway yung 1 pa. Tinanong ko sa kanya tungkol sa bracelets tapos kinailangan pa tawagin ang 1 pa sa 'min... kanila. Bigla iniba nila ang topic (sila na ang nag-uusap about something na hindi na ako maka-relate) kaya nagpaalam na ako't umalis. Nabanggit ko na dati ang iba.

Inaamin ko na compared to all of them, ako ang pinaka-distant. Mas ma-PR sila kaysa sa 'kin kaya marahil nakisama ako sa kanila nung una. Pero pagdating sa group reporting, akong laging una =P Yung pinaka ma-PR sa 'min, 2 na ang barkada sa block, so to speak. Mas sumasama na siya sa iba ngayon pero lagi siyang bumabalik sa grupo. Nakisama ako sa kanila ngunit parang may mali. Dahil ba na masyado akong tahimik? Nakikinig na lang ako sa kanila dahil may mga bagay na hindi ako maka-relate tulad ng love life. Nag-uusap sila ng personal stuff (mga tipong continuation ng napag-uaspan nila sa phone kagabi) habang ako'y nasa background. Anong gagawin ko, mag-eavesdrop? I don't think that similar interests is a factor in keeping a relationship. Starting a relationship, yes but hindi common interests ang laging pinag-uusapan. 'Sus, pagdating sa similar interests, wala akong ka-relate sa block except kung ang klase mismo ang pag-uusapan. Napapanis ang laway ko ngayon. Wala masyadong help ang maghalubilo sa iba kong blockmates. Parepareho silang lahat ng usapan dahil 'pag may plano ang 1, invited silang 5 tulad ng debut, maggimmick, manood ng sine, atbp. Buti pa sila, nagkakaintindihan. Mismatched yata ako.

Sa totoo lang, noon parang ganito rin ang naramdaman ko sa TNTC, hindi ganun kalala compared sa mga kasama ko. Kaya nangulit ako na makibahagi sa mga bagay-bagay to the point na annoying ako. Then again, nung time na iyon malala na sakit ng tatay ko kaya pinipilit kong iwasan isipin 'yon by doing that. Sumobra na ako, nagkaroon ng confrontation and things didn't go back to the way it was. Ok na ang relasyon ko sa TNTC pero iba na ang pakikitungo ko nito. Mas mahiyain na ako sa mga kaibigan ko. Well, most of them anyway if anyone of them doesn't agree to what I'm saying. Ayokong dumaan uli sa nangyari sa 'min nang nakipagkaibigan ako sa college. Mukhang sumobra ako. Baka KSP lang talaga ako. Hindi naman ganun kalala ang mga ibang problema ko yet I'm still a retreatist. Wala akong ginagawang bisyo; nagpapatupad lang ng ilan sa mga 'di magandang kaugalian ng mga Pinoy tulad ng manyana habit at "Bahala na". Bwiset, gumawa nanaman ako ng sariling problema! Ano, ayusin ko ba o magsimula ng bago?

Sheesh, masyado ko yata 'to sineseryoso. Alam ninyo ako, very sensitive. Madrama.

revolutionized the world at 5:07 p. m. | | #