|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
marzo 26, 2004 I'M DOOMED!!! (and so are probably at least a couple of my blockmates)Deadline kanina ng Englart paper namin. Hindi pa ako natulog buong magdamag kanina para tapusin 'yon. Sa lahat ng projects o paperwork, this is definitely not advisable for cramming. Nakakabagot ang gawain, boring ang subject, ayoko ang teacher... GYAAA!!! It's funny pero kaming naghahabol at the last minute, turing sa 'min ng block na magaling sa English. Not that I'm flattered or anything, walang kinalaman ang Englone sa current state namin. Alam ko meron pang iba, nagpasa lang sa pigeon hole. Kahit uno lang ang grade ko rito, masaya na ako. Takot akong malaman kung anong magiging grade ko. It's not the best I've made nor is it the enjoyable to do. Minadali ko siya dahil sobra ako kung magprocastinate. Ang dami ko pang kulang. Ayos lang sa 'kin kung tatanggap pa ang teacher namin ng pahabol, kahit may bawas na. Wah! *************************************************************** Dahil hindi ako natulog kagabi, I should be thankful na half-day ang pasok ko tuwing Biyernes. Hindi nga lang ako makauwi kaagad dahil ihahatid pa ang brother ko sa farewell party ng class nila (graduation niya bukas. Kahit nanay ko hindi makapaniwala na makakagraduate siya XD. Grade 7 pa lang naman) at this time. Sosyal ang venue - sa manager's suite ng isang condo sa The Fort kasi tatay ng kaklase niya ang manager. Dadalhin ko nga pala ang aso ko sa vet mamaya (alagang-alaga sa 'kin iyan; ako nga lang ang magbabayad ngayon dahil walang iniwan na pera ang nanay ko. Kung sabagay at hiningi ko siya para sa birthday ko =P). Bago 'yon, bibili pa ako ng mga pinapadala sa ROTC dahil hindi ako nakapagdala last week. Hehe, 'di pa rin pala ako makakatulog kaagad. (And yhep, I type as I go) *************************************************************** About the matching bracelets na nabanggit ko sa previous entry, palagay ko sa ground floor ng Yuchengco binili 'yon. May mga nagbebenta roon. Weird kung coincidence na magkaparepareho sila, simple lang ang itsura nito. Actually, nasabi ko na nang nagtanong ako sa isa sa kanila, tinanong yung isa pa kung saan nanggaling. Kung sa Yuchengco, ba't hindi pa masagot? Ito lang ang pinagtataka ko. Wala akong balak bumili rin ng kapareho dahil ubos na ang pera ko. Unless they expect na alam ko, as in implied na sinabi ang "Duh!" or how our Englart instructor says it "Da-uhh!". Lagi akong pumapasok at lumalabas sa eng gate kaya hindi ko napansin kaagad. After 10 months, huwag naman sabihin na hindi pa rin nila napapansin na kaya hindi ako sumasabay sa kanila lumabas ng south gate dahil sa eng ako lumalabas. Usually, magkasabay kami lumabas ng classroom tsaka lang maghihiwalay ako sa kanila. O sige na nga, pahinga muna.
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|