ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

marzo 01, 2004

  Pagpasensya ninyo ako. May rant ngayon (na may konting mura):


Ako ay malungkot.

Kung mababaw ang kaligayahan ko sa ilang bagay, gayun din ako sa kalungkutan. Sinayang ko ang kalahati ng term. Wala akong halos nagawang produktibo sa Englart. Nakakatamad talaga pumasok sa nasabing subject dahil kung anu-ano ang pinapagawa sa 'min. 15 sets of notecards, 3 notecards per set, corresponding sa 3rd level subheadings. Eh di 15 3rd level subheadings 'yon. Paraphrase, summarize into paragraphs tapos dapat may isang direct quote per page or 10 direct quotes in total kung 'di aabot ng 10 pages, hindi kasali ang intro at conclusion. Shit! Hindi sinasabi na dapat may kopya kami sa lahat nung una. Paano kung handwritten tapos pinasa na? Hindi pa niya nababalik ang draft outlines namin eh tama na ba yung nagawa namin? Kung ang dami mo nang naisulat, pinasa mo at may mali tulad ng hindi dapat back-to-back, pagagawa sa amin ang buong 'yon all over again. Wala rin sinabi na ang ipapasa na notecards ay computerized dahil sanay na ako sa index cards. Tuloy, nagcucut ako sa subject na 'yon. Attendance sheet na pinapasa lang paraan niya eh ang daling dayain. Malay ko ba kung namumukha niya ako.

Marso na. Isang buwan na lang ang nalalabi sa 'kin. Magsisimula pa lang ako from scratch. May mga kaklase ako na tulad ko, wala pa rin napapasa kaya wala pa rin kaming midterm grade. Kampante pa sila pero ako, hindi na. I could have used this time for it ngunit pinahirapan ko sarili ko sa references. Tatanggapin kaya niya ang paper ko kung may chart o table kasi kailangan sa topic ko.

Ang tanga-tanga ko.

Minsan, pinag-iisip ko kung kulang ako sa common sense. Ito madalas ang sambat ng ate ko sa 'kin kapag nagagalit siya. Ako gumagawa ng sarili kong problema kaya dapat ako ang maglulutas ako. Kahit na pinabayaan ko ang Englart, piga naman ang utak't lakas ko sa iba. Naregret ko na 'di ako nagpasa ng participant observation para sa Introso. Binigyan ako ng prof namin ng ilang pagkakataon na ipasa ito pero hindi ko pa rin nagawa. Dapat meron na ako last week kaso kasi ginawa ko sa bahay tapos dapat itatapos ko na sa labas dahil sobrang lagpas na ng kalahating gabi at inaantok na ako pero ayaw ng magbukas ng file sa diskette. Dahil nagloloko pa rin computer namin, 'di rin ako makagawa ng back-up file. Leche! 7-8 pages (double-spaced, with page break after every chapter. Mahaba siya talaga =P) na nagawa ko tapos bigla hindi mabuksan. Pinagpuyatan ko 'yon! Nawalan ako ng gana na ulitin muli.

Kaninang Introso, kinausap ako ng prof namin at hinahanap pa rin niya ang P.O. ko. Punyeta! Hinintay niya talaga. Parang gusto ko nang umiyak nun (ganun kababaw ako ma-upset). Puro ako sorry nang sorry sa kanya last week tapos binigyan niya ako pa ako ng pagkakataon. Halatang 'di ako nakikinig sa kanya nang sinabi niya noon na kasama ito sa 25% ng midterm grade ko. Yung na lang ang kulang ko para sa grade. Sinabi niya sa 'kin na isulat ko na lang sa papel para naman may grade ako. 1 hour lang ang period kaya minadali ko yung paper sa pamamagitan ng pagkasya ito sa isang yellow pad. Mas mabuti na nga na may grade ako dun kahit 65 lang kasi prerequisite sa 'min ang Introso para mag-major. I need to do good in it yet I'm failing to do so! Ok pa naman GenPsy ko pero ang iba kong subjects... >_< Medyo unrelated sa usapan ngunit malapit ko nang maubos ang allowable absences ko sa Filipino. Naasar ako sa sarili ko at sa traffic dahil late ako lagi. Ayoko na talaga ang nangyayari sa 'kin kahit ayoko rin ang subject o instructor (namely Englart). Kulang ako sa oras ng wala pang ginagawa ukol dito. Mahahabol ko pa kaya?

Ako ay malungkot kasi ang tanga-tanga ko.
Ang tanga-tanga ko kaya ako ay malungkot.

revolutionized the world at 1:52 p. m. | | #