ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

abril 12, 2004

  Dapat matuwa ako't nakapgblog uli ako pagkatapos ng isang lingo. I refrained visiting my blog or any other blog during my short vacation. Actually, halos hindi ako makagamit ng computer ng pinsan ko kasi either siya o ang utol ko ang nandoon. However, kakagaling ko lang sa nerbyos sa kakasagot ng oral exam sa JPRizal at sa pagtanggap ng aking kutob ukol sa final grade ko sa Englart.

3 ang exams ko ngayon: Artsche, Clabart at JPRizal. Ang Artsche at Clabart ay written at puro multiple choice. Nagrely ako sa stock knowledge at kung hindi ko alam ang sagot, nanghula ako. Sa JPRizal, bubunot ako ng 2 tanong mula sa 48. Bawal magpalit o magpass. Nang tinanong sa 'kin ng mga kaklase ko kung alin ang mga nabunot ko (una ako naka-sched sa block), sabi nila "Swerte mo, madali iyan". Tinatanong din nila ako kung paano makipag-usap ang prof ko sa 'kin. Swerte nga at hindi ko nabunot ang ilan sa mga tanong na wala talaga akong alam. Hirap ako magreview noong nakaraang lingo dahil kasama ko ang 8 sa mga pinsan ko sa mother side (marami pa akong pinsan. 4 sa States, 4 ang hindi nakasama. Wala pa diyan ang mga pinsan ko sa father side - 9 sila. Lahat na nabanggit ko puro 1st cousins. Ganyan talaga 'pag maraming kapatid ang mga magulang mo =P).

Anyway, ang problema ko sa prof namin, nambabara siya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa unang tanong kaya pinabunot ako kaagad nung 2nd. Sa huli, tinanong pa niya sa 'kin na based sa mga sagot ko ba eh dapat ba niya ako ipasa. Kinabahan talaga ako. Nakalimot ko pa magdala ng mga lumang libro para i-donate. Sayang, may additional grade pa naman 'yon. Nakiusap ako kung pwede kong dalhin na lang ang mga iyon bukas since meron pang kukuha ng oral exam. Sabi niya "Ok".

Pagkatapos, kinuha ko ang course card ko sa Englart. I had all the time to prepare myself for the news. Sabi ko nga ba, bagsak ako. Kinausap ako ng prof. Sabi niya sa 'kin gulat siya at nagawa kong bumagsak dahil mukha pa naman akong may ilalabas na matinong paper. Ang ibinuga ko: "Nahirapan ako sa topic ko. Gusto kong palitan but it's too late". Hindi ko masabi sa kanya na tinamad ako sa paper na 'yon. Oo, gusto kong palitan ang topic ngunit hindi ko na mabago nang nahirapan na ako. Imbes na sikapin ko pang maghanap ng additional references kahit natignan ko na ang available sa library at sa bahay (nahirapan talaga akong maghanap ng info that supports my claim. Kung meron man 1, wala akong makitang similar info from another source), I sticked with what I have. Syempre, ang lumabas ay kulang na kulang.

I'm keeping myself calm at that matter. Problema ko ay kung papaano ko ito sasabihin sa nanay ko na may bagsak ako. I could attempt retrieving yung list ng final grades ko per term na pinapadala sa bahay through mail; matagal na nakalipas ang term 'pag nakakarating na sa 'min, akala tuloy na hindi na makakarating. Hindi ako maka-enroll online ng summer for it kasi ang lumalabas ay naka-enroll ako dun ngayon term. Hindi pa kasi nasusubmit sa registrar. I won't attempt something drastic to change my grades. Kahit anong gawin ko, wala akong sapat na ebidensiya na magsasabi na marami akong nagawa; marami ako ng opposite. Baka i-adjust ko into the next term o kunin ko in yet another term. I don't think my mom is aware that I'm retaking it since she barely knows the course codes. Talagang mag-aadjust ako dahil nakalimutan ko mag-enroll sa ROTC nang nagsubmit ako sa online enrollment. Ayoko naman magreklamo ang nanay ko na binagsak ako eh gabi-gabi akong buong magdamag ginagawa ang paper ko (or rather, what I can make the most out of it). It's not the 1st time na may binagsak ako dahil hindi ako nagsusubmit ng requirements though the only other time it happened was back at grade 4.

Nakakahiyang bumagsak and I'm not proud about it. Nagsisisi ako na pinabayaan ko ito over my other subjects na ayokong makakuha ng mababang grade para matuloy ko na ang major ko. Alam ko na maraming nagsasabi na walang katuturan ang major ko pagdating ng araw at magtatrabaho ako. Underpaid ka sa kung ano mang hanapbuhay na maaring pasukin ng isang AB-Psychology major unless nasa HRD ka ng isang inter/multinational company, magturo ka abroad (kukuha pa ako ng teaching license) o mag-aral uli pero this time nursing. Para makapsok ka dun, dapat matataas ang grades mo. Mukhang matatanggap ba ako kung so-so ang grades ko plus a failure to boot? Ang bilis ng panahon and look, I'm halfway through college! 3 years lang ako dito at incoming 2nd year na ako. Kailangan ko talagang sikapin ang natitirang 6 regular terms ko. I really need the self-discipline and the motivation. Ayokong magaya sa isa kong pinsan na na-kick out mula sa isang pang university dahil sobrang bagsakin siya.

Tao lang ako. I'm not brilliant or anything. I've ranted too much but did too little. I have my faults. I want to remind myself and others of my mistakes para hindi maulit. Pasensya na at I'll keep what happened sa bakasyon ko noong Holy Week plus some other things to myself. Nag-enjoy ako but that's just me retreating sa hinala ko. I do hope that while it's inevitable that I'll be creating problems for myself unless I change to where it's avoided, I do seek to change but I won't put my head too high above tha clouds to assume na maiiwasan kong gumawa ng mga problema sa sarili ko completely. I'm not perfect. Ganyan raw talaga ang buhay.

revolutionized the world at 5:41 p. m. | | #