|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
mayo 31, 2004 For my 1st 2 classes of the day, both profs were not present. I know that the 1st one is in Canlubang for a meeting concerning a program for the freshmen. I don't know if the 2nd prof is also involved with this meeting too. At least my 1st prof had told our class beforehand so I left our house at 9 and arrived here in the university at 10. My next class is on 12:50 so here I am, killing time uli.*************************************************************** My 1st class during MWF is Relstwo. I wasn't excited about it but hey, I took it instead of Histciv, Engltri, Litera1, Philper or any other floating subject I have in our course checklist. The prof seems to be more approachable than my Relsone prof; the latter is a terror! Because he mentioned about our reflection papers are to be based from readings from a couple of books, I had to buy those 2. Then, there's the parish involvement. I got the forms already but I forgot to fill up the letter to be passed to our parish hence I haven't passed that letter yet. I don't plan to wait until 6 more weeks before the term ends (5 weeks service + forms to be passed a week before the finals). I don't mind where I'll be assigned at as long as I'm not the bellringer. Yung kampana na nasa torre na pinapatunog ng alas sais ng umaga't gabi. Meron daw ganun ang parish involvement niya, sabi ng prof namin. May 2 akong blockmates doon na kasama ko rin sa Bioarts plus isang ka-unit ko sa ROTC at 2 batchmates noong High School. Para sagutin ang tanong ni Bom, sina Allison San Pedro at Jasmine Mara 'yon. 2nd class ko naman ay Elesta1. Prerequisite namin mga Psychology majors 'yan, mapa BS, AB o LIACOM, para sa major subjects namin (Ang Elesta2 ay major subject). Kaya lahat ng mga kaklase ko rito ay kukuha ng Psych major. Sa dami na nagshift to Psych (AB-PSM pa lang, 15 ang nagshift. Kasama na d'yan si Tina), may mga nasarahan ng lahat ng available sections. Buti na lang at nagbukas pa ng panibagong section sa Elesta1 kaya may Elesta1 na rin si Tina at ilan sa blockmates ko. At least hindi sila mahuhuli. Ang inaabang ko sa Elesta1 ang lab kasi may computer. Mas maganda ang mga computer sa Elesta1 kesa sa Artcomp! Nahihirapan kami sa klase na maintindihan ang prof namin sa lecture ng ganitong kaaga. Patay!!!@_@ May 2 akong blockmates dito (iba pa sa nasa Relstwo) at ang mga taga St. Scho ay sina *coughlarasantoscoughraizelmatibagcough*. Kasama ko rin silang 4 sa Artcomp. Pagkatapos ng break, Englart tuwing Lunes at Biyernes lang. Mas mabuti na 'yon kesa sa Martes at Huwebes dahil 3 araw ang paggitan tuwing weekdays imbes na 1. Iba ang prof ko this 2nd time around. Phew! Puro mga 3rd yr jocks kasama ko sa klase >_<' Ang tanging blockmate ko rito ay 1 sa mga nag-L.O.A. (Leave of Absence sa mga 'di nakakaalam) sa amin last term (yung 1, lumipat na ng ibang school). Meron din irreg from the 1st time akong nag-Englart na apparently ay binagsak din ng prof namin. Sa mga nagbasa ng entry ko bago nito, siya yung kasama nung 1 pang irreg. Iisa ang prof ko sa Bioarts (MW) at Blabart (F). Sa totoo lang, nababato ako makinig sa lecture niya. Lecture lang siya kahit nung 1st meeting namin sa Blabart. Boring talaga. Idagdag mo pa d'yan na 2:30 ang simula ng 2. Wala pang development maliban na lang sa pag-assign ng groupings para sa group report (meron na magrereport mamaya! Buti na lang matagal pa kami) for Bioarts, at magdrawing ng internal organs plus grouping uli para sa Friday for Blabart. Sa Bioarts, 5 ang blockmates kong kasama. Yung 2 sa Relstwo, yung 2 sa Elesta1 at 1 na kaklase ko sa Blabart, Filipi2 at Artcomp. Sa kanilang 5, 2 ang kasama ko sa Blabart (na-mention ko na yung 1). Sa batchmates, sina Kat Planas at Janaleh Rosal. Si Janaleh ang ka-section ko sa Blabart. Last week ko lang nakilala ang mga ka-grupo ko sa Bioarts (kung sino magkakatabi ang grouping) pero pagdating sa Blabart, kami ng blockmates ko, 1 sa ka-grupo ko sa Bioarts at 1 pang guy ang magkagroup. Ala-una pa ng hapon nagsisimula ang klase ko at ng ilang sa blockmates ko. Unlike MWF, mas marami akong kasamang blockmates tuwing TH. Halos kalahati ng block, with yung nasa Elesta1 at Blabart. Una ang Filipi2. Ang alam kong gagawin namin doon ay magsaliksik at magsalin ng Ingles sa Filipino. Nabanggit ng guro namin doon na isa sa group projects na gagawin ay magsalin ng pelikula! Mas mabuti na ito kesa sa libro eh ang originally nakalagay sa syllabus eh textbook ang isasalin. Kung nobela, papayag pa ako pero huwag textbook. Dahil group project, marahil kailangang bumili ng sariling kopya kung hahatiin ang gawain. Mas magastos ang libro kung wala ka pa nito. Kung pelikula, may pirated. Kung hindi barok ang subtitles, ayos. Kung hindi, kailangan pang i-transcribe ang dialogue bago i-translate. Pause, play... rewind kung kinakailangan. Basta hindi umaabot ng 3 oras yung pelikula ay ok na. Kung alalahanin, iwaasan ang Titanic, Lord of the Rings trilogy, The Ten Commandments (yung lumang pelikula na pinapanood sa mga bata sa religion class at pinapalabas rin tuwing mahal na araw), atbp. Malas lang kung ang guro mismo ang mag-aassign eh mukhang nag-aasign 'yon ng LOTR. Mabait yung instructor pero corny. Kaklase ko dito si Madonna, kabarkada ni Shuro. Review sa MS Word, Excel at Powerpoint ang tatalakayin namin sa Artcomp. Ang bago dito ay ang MS Access dahil hindi tinuro sa 'min ito noon kaya hindi ako marunong gumamit nito. Mukhang ok ang prof. Wala pa naman kaming nagagawa eh nung lab namin noong Huwebes ay nag-Friendster lang ang mga tao kasi nangolekta lang ng index cards at diskettes ang prof namin. Halos mga kasama kong blockmates sa Filipi2 ay nasa Artcomp class ko rin. Yung iba na wala sa Filipi2 pero nasa Artcomp ay nag-drop ng Filipi2 kasi balak nilang magshift eh kailangan kunin ang prereqs. Ayan, pinagpalit nila ang Filipi2. Yung nasa Filipi2 pero hindi ko kasama sa Artcomp ay nasa ibang section. Sa mga taga-St. Scho maliban sa nabanggit ko na, kasama ko rito si Carmela Tolentino na blockmate ko rin last schoolyear. *************************************************************** May meeting na kaagad sa ROTC noong Sabado. Ang alam ko rin, pati ang CWTS meron na rin meeting noong araw na iyon. Sa ROTC ko makikita ang 2 sa blockmates ko dati na hindi ko kaklase sa alin man sa subjects ko ngayon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kabisado ang lahat ng pangalan ng mga kapwa kong Medics pero may mga nakikilala ako. Sa wakas, may duty na kami. Mula 6:30 a.m. hanggang 9:15 a.m., nakatayo lang ang ilan sa amin (kasama ako) sa iba't ibang sulok sa field, mainly malapit sa mga MS1. 1st training day ng mga frosh kaya dapat maging alerto kung sakaling may mahihilo. Kahit na pinapunta ang mga frosh sa Pablo Perfecto, nakatayo pa rin kami doon, pinapanood ang mga ibang MS2 na nagmamartsa't naglalakad. As if naman may mahihilo. Hindi kami kasama sa mga martsa noong oras na 'yon dahil on duty nga. Binigyan kami ng 15 min break na nauwi sa wala kasi walang binibenta ang z2. Nagkaroon ng lecture ukol sa organization ng Navy, yung mga ranks nito, etc. As usual, nagkaroon ng surprise quiz. Buti na lang at nagnotes kami kahit sabihin ni Ma 'am Ramil na 'di kailangang magnotes dahil pwede magdownload ng hand-outs sa Yahoo! group. Bagong learning: magiging ensign si Sir Yau. Naka-khaki uniform siya tulad ng lecturer namin nung Sabado; kulang na lang yung colar insignia. Syempre mas mataas ang rank nung lecturer sa 'min. Kung hindi ako nagkakamali, based sa lesson (hindi siya nagpakilala pero may nameplate siya kaya alam namin ang apelyido. Hindi namin alam ang posisyon niya =P), 2nd lieutenant siya. Kung mali ako, equivalent ng Army o ng Air Force ang nabigay ko. Nauna kami matapos at pinababa kami. Pinalapit namin yung isa sa amin na lapitan si Sir Yau kung pwede kumain sa Aristo. Pumayag siya. Assembly uli sa filed nung 11:30 at mula nun hanggang ala una, on duty nanaman kami. Nakapagfill-up kami ng attendance card at nakatayo muli sa pwesto kung tska-tskaling may makita kaming nahihilo. Nakaupo kami nang tinawagan kami ni Sir Mina. Graduate na yata siya kasi hindi siya kasama sa flag ceremony at hindi naka-uniporme. Kinausap kami tungkol sa Hell Day mula kung anong gusto naming battle cry, anong pinapagawa sa 'min na specifically for that SSU (duck walk across the field. Dahil may hinuhukay, lengthwise across the field 'yon) at ang mga paraphernalia. Ang dami pang bibilhin! *************************************************************** Nahihirapan pa rin ako makasingit sa computer namin sa bahay. Hopefully isang linggo na lang d'yan ang kapatid ko doon. Kung hindi naglalaro ng pRO, may download na episode ng Ragnarok the Anmation o ng Naruto. Yung sa Naruto, ang latest story arc sa anime ang kinukuha; na-skip namin ang ibang episodes ng Chuunin Exam. Kung ipapalabas pa lang ang episode 86 sa Japan, may episode 85 na kami na subbed sa computer (tandaan: sa Aug. 21 pa lang ilalabas ang Naruto movie sa Japan. Matagal pa yata aabot ng 'Pinas iyan!). Bale, si Jiraiya na ang sensei ni Naruto (nandiyan pa rin si Kakashi kaso under the protection ni Jiraiya si Naruto) at nagpakita na rin si Itachi (onii-san ni Sasuke). Ipapakita pa lang Tsunade, 1 sa mga sennin (candidates for kage; along with Jiraiya at, I heard sa kapatid ko dahil hindi ko ni-research, si Orochimaru) sa next episode. Heto, baka maging suki sa G302 unless MWF, bago mag-9:20 dahil nasa Cybernook ako. Yung 1st class ko nasa SJ. Nasa Pop Jam pala kagabi si Gackt. Tamang-tama ang timing ko ang naabutan ko siya magsisimula lang. Nest week raw, nandoon sa Pop Jam ang Laruku. Sa mga mag-aabang, ipinapaalam ko na sa Linggo ng 8:30 0 9 ng gabi 'yon (mas mabuti maging handa!), sa NHK. Dito ko itatapos ang entry ko at malapit na magtime for my next class. Sorry kung bigla ang shift from straight English to Taglish (hindi Filipino sapagkat hindi ko binaybay ang mga banyagang salita ng tulad sa Tagalog). Jaa ne!=)
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|