|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
junio 30, 2004 Akala ko hindi muna ako makakapost for a while. Hindi pala. Dapat itutuloy ko pa ang isang assignment ko na due pa sa Tuesday kaso umabot na ako sa part kung saan hindi ko alam kung anong gagawin =P Pero nasagutan ko na ang majority.Ang dami ko talagang gustong ikwento kaso dated na. Kung wala akong ginagawa, brownout naman sa amin. Kagabi, nag-aaral ako; sa kandila pa nanggaling ang ilaw kasi nagbrownout. Bago nun, huling brownout sa amin nung Sabado lang. Halos isang araw na ang nakalipas bago bumalik ang kuryente. Leche! *************************************************************** Mahaba ito kaya kung tinatamad kayong magbasa tungkol sa ROTC, skip!! Kung binasa ninyo ang blogs nina Funyak at Cimber, ang latest na usapan ay ang Hell Day. Sa mga hindi nakakaalam, ang Hell Day ay ang araw na kailangan naming daanan muna bago maging ganap na miyembro ng special unit ninyo... well, dito sa La Salle anyway. It's better than hazing, that's for sure. Basically, papagurin kayo. Hindi ko alam kung ganito rin sa mga ibang unit nung Hell Day nila pero sa kaso naming mga Medics (Model Batallion yung 2 + si Shuro na nasa Japan ngayon at si Bom nung may ROTC pa siya), walang patawad kahit hilo ka na. May punishment nga sa amin kung hilo ka nung araw na iyon kasi Medic ka nga tapos nahihilo ka: run 1 lap around the field, corner to corner. Sa 4 na units na nag-Hell Day na (kami nung 2 Saturdays ago, last Saturday lang nung kina Cimber), kami at ang Model Batallion ang may uling sa mukha. Kahit noong Hell Day nina Bom meron din. Ba't ang Shore Patrol at Navigators wala? Wala pa akong naririnig about the Hell Day for RCG. Nauna mag-Hell Day ang SP sa batch namin and according sa mga kapwang Medics na on duty noong araw na 'yon, mas mahirap daw ang pinagawa sa 'min. Kasabay namin ang mga Navi mag-Hell Day pero mukha rin mas pinahirapan kami. I don't know sa Models at hindi ko napanood ang lahat ng pangyayari subalit sa kanila ata ang pinakamahirap. Mukhang mas matagal ang kanila kaso may presentation sila na paggalingan ang mga babae sa mga lalaki; wala kaming ganun. Kung sa bagay, mas marami sila since wala silang quota, 'di tulad ng mga ibang SSU. Dahil ang officer nila ay in restriction (bawal pumasok sa loob ng field), may time ang Model na nasa labas sila sa field, still undergoing the Hell Minutes habang nasa loob ng field throughout the actual Hell minutes ang iba. When it comes to unit tradition, ang nakita ko pa lang ang sa amin, sa Navi at sa Model (I think). Based on observations, tradition ng Model yung maglalakad sila around the field, nakahawak sa kaharap mo (parang Trip to Jerusalem sans the chairs) tapos may chant pa sila. Kung 'yun iyon, hindi kaya nakakapagod iyon. Sa Navigators ang paggulong sa field na konektado sila. Sa amin ang Duck Walk. Sa Duck Walk, pinapalakad kayo na naka-squat across the field. Dapat konektado kayo kaya nag-aakbayan kami. Kailangang sabay-sabay kaya sorry ka kung mahuhuli ka, madadrag ka. Kung masyado kami mabagal, madarama namin ang pressure kaya mas lalong mananakit ang mga hita namin. Kung masyadong mabilis, matutumba kami. Ang hirap din kung nasa gitna ka (tulad ko), mapipisa ka. Kung kelan halfway na kami sa Duck Walk, binigyan kami ni Sir Chua (ang officer-in-charge sa 'min) ng time limit: dapat makalagpas kami sa flag namin ng 4 minutes. Umabot naman kami pero right after that, pinagulong at pinag-crawl (baby, prone, on our backs) kami sa grass. Masaya, at least makikita mo ang teamwork. I should also add 'thankful na hindi maputik sa field'. Kung hindi sa lalong madudungisan kami, baka madulas ako at madapa tulad ng last Saturday. Kailangang mag-double time eh. One thing that I really liked about our Hell Day was when we finally got our additional paraphernalia after our boodle fight. Yup, it's really called B-O-O-D-L-E fight. Ang boodle daw ay mga pagkain na hindi served sa mess hall. Pinapasuot sa amin ang mga helmet at white pistol belts (may ilan na nagtiyagang nagpalit ng shoe laces) for our "graduation rites". Hindi na kami applicants, ganap na Medics na kami! May ipagmamalaki kami in the sense na "Pinagpaguran naming makuha ito" dahil hindi ito kaagad inabot sa 'min ang mga ito. Nasuot lang ng mga SP ang kanilang full paraphernalia a week after their Hell Day (once a week lang ang meetings). Yung iba na wala masyadong additional stuff sa uniform ay nagroll-up ng sleeves ng uppergarment sa fatigue. Yung "graduation rites" namin is basically having Sir Mina slapping your helmet. As in may tunog! Baka nagchecheck kung matibay ang helmets XD Nag-enjoy talaga ako, kahit nananakit ang katawan ko nun. Sana (dapat) na-develop na ang pictures namin tapos i-scan at i-upload. Kung meron na, I might post it here. Slightly off topic: Kinuha raw ng SP ang flag namin nung Hell Day namin kaya as punishment, pinatakbo kami ng 2 laps around the field last Saturday. All that running I've done on that day (nagsalba pa ako ng limang tao) plus yung 30 pumps dahil sa deficiencies sa uniform (1 defiency = 10 pumps; push-ups for guys. Sa amin ng asst. batch rep namin ang pinakakonti) resulted into aching thighs. Paano nakuha ng SP ang flag namin? Bwiset. *************************************************************** Nung Manila Day, nakapasok ako sa Makati City Hall. Kumukuha ako ng student's permit sa LTO (Makati branch) eh nakalimutan ko magdala ng 1x1 pic. Ang pinakamalapit ng kuhanan ng picture ay sa labas ng munisipyo so punta ako doon. Hindi pa ito yung booth na maghihintay ka ng 5-10 mins. 20 mins pa bago ma-develop ang picture ko kaya pasok ako sa loob ng City Hall. May luma at bago; pumasok ako sa bago. Ang sosyal ng City Hall nila! Walang binatbat ang munisipyo namin dito sa Parañaque. Sa bagay, mayaman ang Makati dala ng Central Business District. Nakuha ko na ang student's permit ko at nag-enroll na sa isang driving school. Simula na ng driving lessons ko bukas ng umaga at tuwing Martes at Huwebes ito (buti at pang-hapon ang mga klase ko sa mga araw na 'yon). *************************************************************** Mag-iisang buwan na akong kumakaing mag-isa sa loob at labas ng school. Wala akong magagawa at iba ang sched ko sa blockmates ko. Kahit U-Break, wala rin. May klase pa sila bago ang U-Break, kakain na ako. Last class din nila iyon kaya nahihiya akong magyaya na samahan nila ako. Ayos lang sa akin kung ganito pero mas gugustuhin ko na may kasama. *************************************************************** Iniisip ko pa rin kung maglalagay pa kaya ako ng music dito. Mukhang sa September pa akong magpapalit ng layout. Alam ko na pupunta sa Japan si Shuro pero nung Sabado ko lang nalaman na umalis na siya ^^' Paikli ng paikli ang mga sinusulat ko per section kasi malapit na rin mag-time. Kung may oras pa ako, mas marami akong sasabihin ukol sa last 2 sa taas nito. Gusto ko talagang ikwento ang karanasan ko sa Hell Day namin dahil memorable. It may not be everyone's cup of tea pero gusto ko talaga itong i-share. Pagpasensya ninyo ang kakulitan ko ngayon. It's time for me to go back to business *sigh*. EDIT: Nasa 'Pinas na pala si Shuro. Ang cute ng belt niya!!!
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|