ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

julio 06, 2004

  Kailangan ko ng pangkalma. Hindi ako fit mag-drive (kahit na nakapagdrive ako kanina) dahil kinakabahan ako. 2nd day ko kanina mag-driving lessons. TTh ang sched ko sa driving. Yung school nasa Pasay Road, Makati at for the day, pinadrive ako around Makati's Central Business District (CBD). Ang coverage ay within Don Bosco (actually dun sa gas station malapit sa simbahan nun) to Makati Med, hanggang Makati/Ayala Ave. (alin man sa 2 at nababaliktad ko sila) and vice versa. Basta yun. Ang gamit ko ay Honda Civic (matigas na ang manibela, matigas din ang clutch kaya nakakangawit). Dahil sa Makati, panay go at stop, liko, repeat for 1 hour. Problema ko ang timing at bigat ng pagapak at pagrelease ng mga pedal. Kulang din ako sa coordination. Buti na lang at wala pa akong nababangga o nasasagasaan. Mabagal nga ang takbo ko at nasa 2nd gear lang ako. *Sigh* 2 down, 13 more days to go. Dahil twice a week ang driving lessons ko, aabutin pa ako ng Agosto. Wish me luck.

*****************************************************

Napasilip ako sa mga listahan ng shiftees ng CLA ngayon-ngayon lang. Congrats nga pala kina Shuro at Cimber at tanggap sila sa major nila. Sabay sa ilalim ng pangalan ni Cimber, nandun ang 1 sa mga 'frenships' ko. Tanggap na pala siya. Good luck na rin pala kay Funyak at may interview pa raw siyang kailangan para matanggap. Sa isa pang listahan, nakita ko ang names ng 3 ko pang kasama. Shift sila into Psychology-Business Management (PSM-BSM?). Kukuha pa sila ng test at interview. Balak na talaga nilang mag-shift. Last term pa kaya nila sinubukan eh hindi sila pumasa. Isa pa lang sa 'min ang nagshift na for this term. Out of the 6 of us, ako na lang ang natira't magstistick sa AB-PSM. Nakakalungkot pero kung gusto nilang magshift, wala akong magagawa't desisyon nila 'yon.


EDIT (at a later date since it's related to the 1st topic XD):

Nabawasan ang nerbyos ko ngayon. Baka kasi mas gising ako ngayon kesa nung Martes. Problema lang ay bano pa rin ako magmaneho. Namamatayan pa rin ako ng makina pero hindi singdalas nung huli. Kailangan ko talaga magpractice magmaneho lalo na sa mga turn at pag-go after ng stop. Buti na lang at tumigil akong kumuha ng French pansamantala at talagang hectic ang sched ko; may parish involvement pa kasi =P

*****************************************************

Going off topic, nakapaskil na pala ang listahan ng mga DL nung 3rd term. Hindi ko pa natitignan ang buong listahan pero dumami ang mga blockmates at Taong Troika sa DLSU na DL. Kasama na dun sina Tina, Erryl, Cimber, Shuro, some people na kilala ko na nasa ROTC sa batch namin, some batchmates from High School, some people na 'di ko kilala basta kaklase ko sila, yung blockmate ko nagshift na sa PSM-BSM at yung isa pa na tanggap sa AB-CAM (course nina Funyak) and some more from our block. Buti pa sila. Isa sa balak kong gawin bago maggraduate ay mag-DL kahit isang beses man lang. Speaking of DL, nag-aalala ko dun sa kasama kong shiftee na. Ang tagal na 'di pumapasok. Kahit mga iba kong kaklase ay 'di nakakaalam ng whereabouts niya. Dahil DL siya, at least hindi pa siya ibabagsak dahil sa tagal ng absence niya na hindi ko mawari kung nag-exceed na siya. Problema na niya ang mga ibang requirements tulad ng quizzes, etc. Haaayy... sana maabot ko naman 'yan.


revolutionized the world at 12:47 p. m. | | #