|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
agosto 13, 2004 Just came from a remedial long test for Elesta1. Yep, r-e-m-e-d-i-a-l. No, I didn't fail any of the previous exams (pero pasang awa ^^') nor was my midterm grade below the cut-off. Sabi ng teacher namin na yung mga nakakuha ng dos are actually those who could've gotten a lower grade kaso ayaw niya magbagsak ng estudyante. Kinakabahan ako sa subject na ito, lalo na pagdating ng finals a couple of weeks from now dahil closed notes. Paalala: Kakasimula pa lang namin sa descriptive stats. Ang problema ko ay mga nauna dito, lalung-lalo na ang linear regression. Kung given ang slope, ayos. Kung hindi given ang slope, hindi ok. Comprehensive malamang yung final exam tapos ang daming formula na dapat matatandaan! Ang hahaba pa naman nila. Delikado yung mga tipong dapat i-square muna bago i-total (yung mga exponent sa loob ng parenthesis tapos ang summation sign ang nasa labas) at i-total muna bago i-square (yung exponent nasa loob ng parenthesis tapos ang summation sign ay nasa labas) IN THE SAME FORMULA! Yung isa nasa numerator tapos yung isa nasa denominator. In case hindi pa ninyo nasusubukan mag solve ng ganun, magkaiba ang sagot ng 2. Maraming formulas ang may ganyan, nagkaiba lang kung X, Y, ang product ng X at Y na nabawasan na ng means/averages nila o yung product na hindi binawasan ang ginamitan ng ganun. Nakakalito na ba? Basta ito ang last post ko before the finals. Buti na lang at tapos na ako kumuha ng driving lessons (last day kahapon. Umabot ako sa Greenhills pero kailangang dumaan sa traffic. Still needs to improve on turning at sa paglingon sa sides). Bukas na rin matatapos ang ROTC. Ililimit ko ang paggamit ng internet; para lang sa mga announcement ng prof na pinadadala nila sa 'min through e-mail. Magtatayp (type) pa ako ng paper, maghahanap ng pwedeng magburn ng DVD to DVD para sa proyekto namin sa Filipi2, magsalin at magparingbind para sa nasabing proyekto, gumawa ng reaction papers para sa ilang asignatura, mag-aral...***************************************************** Sa mga inalam ko ng midterm grade, ok naman sila except sa isa dahil hindi ako nagsusubmit ng reaction paper for some time (I used to pass at first pero tinamad ako. Ngayon, napilitan ako). Alam ko na kung ano ang final grade ko sa isa pang subject dahil exempted ako sa finals. Hindi ko na maitataas pa ang prefinal grade ko at lagpas 100% pa ang kailangan ko sa finals. Kung mas mababa ng 90% ang sa finals eh pwede bumaba ang grade ko. Ang mahirap kasi ay hindi written ang finals, presentation ito. Happy naman ako sa grade kasi ito ang pinakamataas ko among sa midterm grades na inalam ko. Hindi siya 4.0 pero maganda naman kahit papaano. As for my subjects next term, malas ko at nasaraduhan ako ng 2 major subjects. Kumuha ako ng 2 iba pang major subjects na wala naman akong kakilala na kukuha nun next term. Kung susundin ng mga tao ang nakalagay mismo sa course flowchart, sa 3rd year pa nila kukunin 'yon. Tapos, nagcheck ako kanina kung may nagbukas ng bagong seksyon para sa isa o pareho sa kanila. Meron nagbukas na isa. Ngayon, kailangan kong mag-adjust. Mahirap magtake-up ng subject na walang kakilala na kumukuha o kumuha nun. Ba't naman kasi may priority enrollment? Bakit ang konti kung magbukas ng sections para sa isang subject? Ok lang kung mauna sa enrollment ang mga taga COE, COS, CED at CCS pero dapat kasabay namin ang CBE dahil sa mga LIA-COM. Daya nila, nauuna sila mag-enroll kesa sa mga CLA lang. Walang kinalaman ang ibang colleges dahil karamihan ng kukunin nila ay exclusive sa college nila, including some floating subjects. Kung masaraduhan ka ng floating, pwede magcross-enroll. Ok kung may kasama kang kakilala 'pag ganun. Dun sa sections, may mga major subjects kami na kinukuha rin ng mga taga BS-PSM. Dagdagan mo pa 'yan ng mga Psych LIA-COM. More or less around 100 kami tapos kung magbukas 2 SECTIONS?! (max no. of students per section = 40) Sana naman magbilang sila. ***************************************************** Pagdating sa mga upcoming na palabas na made from Japan, inaabangan ko ang Final Fantasy VII: Advent Children at Gundam SEED Destiny (hindi palabas ang FF XII, game po iyon =P). Nakakatuwang makita ang mga FF VII characters in FF:TSW (yung movie >.<) quality at may boses. Kahit subtitled, ok na. Sa mga nakita ko of the original cast, I'm giddy to see Vincent, Tifa and even Reno and Rude of the Turks in action. To anyone who has heard of and/or watched Gundam SEED, in case hindi ninyo alam, may direct sequel na siya entitled Gundam SEED Destiny. Series po ito kasi may OAV/OVA na siya. It'll start airing in Japan on Oct. 9. From what I've heard, this takes place 2 years after SEED. Apparently, there's a new protagonist introduced, si Shin Asuka. I don't know if Kira Yamato, the protagonist of SEED, will appear regularly, as a cameo or even none at all but his best friend/rival Athrun Zala is definitely there, playing an important role in this title, possibly even larger than the role he had in SEED. According to some Gundam fans na napanood na pati yung mga older titles that based on the info given so far, mukha yatang rip-off ito ng Gundam Z, whatever that is about *sweatdrop*. Basta Shin had a tragic past dahil sa events ng SEED kaya sumali siya sa ZAFT (ang kalabang organization nung sa simula) for revenge. Watching SEED first is a must before watching SEED Destiny. Some scans from Newtype's August 2004 issue (released last Aug. 10 in Japan): Cover - Shin and the Impulse Gundam Shin wearing the ZAFT pilot uniform Athrun and Lunamaria Hawke *Wah! Forgot where I got this. It's from a message board, that's for sure. @ Crissy - in case you need a hairstyle for one of your characters, I give you Rey Za Burrel XD (sabay meron na palang halos o kaparehong-kapareho ng buhok)
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|