|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
septiembre 29, 2004 Some random facts about me:* Just before typing this entry, there was a fire drill. I'm already in the computer lab at that time. Fortunately, I haven't logged in to Blogger (but was logged in to Friendster when it happened. Syempre, log off muna ako). Buti na lang at hindi pa kailangan i-scan ang ID muna bago pumasok because I'm still holding the tag with the PC # I'm using. Otherwise, I'll have to use my extra ID. * Yes, I have an extra ID. I had it since last term. Ganito 'yon: nawala ko ang ID ko sa library namin nang 'di ko namamalayan. Akala ko kasi nailagay ko sa bag ko. Nakalabas ang ID ko in the 1st place kasi kailangan i-surrender bago ako maka-photocopy (nyaks! ngayong college ko lang ginagamit ang term nito regularly, thanks to my blockmates) ng mga libro na "for room use only". After photocopying, kinuha ko ang ID ko, tapos binalik ko ang mga libro sa mga kinalalagyan nila. Then, kukunin ko ang bag ko. Fast forward to the next day. 'Pag pasok ko ng school, akala ko na nasa akin pa rin ang ID ko. Para maka-pasok, kailangan i-scan ang ID. Nang ayaw tumunog ng scanner nang itapat ko ang wallet ko (dun usually nakalagay ang ID ko. Nababasa pa naman ng scanner ang ID ko through it), hinalungkat ko ang bag ko. Wala sa bag. So kumuha ako ng gate pass. Dito sa 'min, may minor offense ka kung nagfile ka ng left/lost ID thrice. May isang beses na akong nakaiwan ng ID... SA LOOB NG SCHOOL! Eh 'di dapat "lost" iyan. Fortunately, nasa Lost and Found nung sumunod na araw. May warning sa 'kin na nakakadalawa na ako. At that time, iniisip ko na baka naiwan ko sa bahay dahil nagpalit ako ng bag noong umaga 'yon. 'Pag uwi ko sa bahay, hinanap ko ang ID ko sa bag na gamit ko the day before. Wala ang ID ko dun. Patay! Nawawala talaga. Kailangan magpagawa ng bagong ID. Syempre, kailangan uli kumuha ng gate pass. That's my 3rd time na magfile ng left or lost ID sa college kaya may minor offense na ako T_T Yun lang ang offense ko so far sa kolehiyo. Bago ako magpagawa ng ID, pumunta ako sa Lost and Found in case na baka nandoon ang ID ko. Wala raw. Ayan, nagpagawa ako ng bagong ID and had to pay for it. Some days later, bumalik ako uli sa library. Pumunta ako sa "room use only" books section para magpaphotocopy uli ng libro. Lahat nun (including the ones nung nawala ko ang ID ko for the 2nd time) ay para sa isang research paper which has a big share in determining my final grade at the subject it's in. OMG!! Nakita ko ang ID ko na nakadisplay sa desk ng librarian in charge sa section na 'yon. Hiningi ko yung original ID ko kaya 'eto, 2 ang ID ko. * This is not the 1st time na nakawala ako ng ID, nagpagawa ng bago tapos nang may bagong ID na ako eh natagpuan ang lumang ID. It also happened to me in 2nd year High School, this time in an auditorium. I got it back a month later after being passed around by an undeterminable number of people. Ang nakapulot daw ay isa sa student council officers. Hindi ako popular nor kilala nung tao kaya pinasa-pasa ang ID ko hanggang umabot na sa akin. Back in the days na nakasabit sa 'yo ang ID by a necklace, by the time that I've entered High School, hindi na laminated ang ID; it's made of plastic tapos ang picture ay kinukuha through a digital camera tapos pinapiprint. In other words, parang ID namin ngayon na sabitan nga lang. Para makakabit sa necklace, may butas. Nagkaroon ng crack across the thin strip of plastic above the hole leading to the end of the card. Ang nangyari ay nahulog ang ID. Hindi ko namalayan na nahulog nang nasa loob pa kami ng auditorium kasi madilim tapos umalis na kami bago matapos ang palabas. Nang paglabas ko, napansin ko na nawawala kaya bumalik ako sa auditorium para hanapin 'yon. Hindi ko ito nakita. Palagay ko napulot na ng officer ang ID ko habang wala ako pero wala na siya nang bumalik ako. * Speaking of losses, I left my jacket sa school kahapon. Buti na lang at may nagturn-in nito sa Lost and Found. Na-claim ko na siya kanina. Last year, I left the same jacket in McDo. Ang building namin ay nasa kabilang dulo ng La Salle as opposed to the end kung saan katabi ang McDo. Nasa classroom na ako sa 3rd floor at wala pa ang prof nang naalala ko na naiwan ko ang jacket ko. Syempre binalikan ko. Buti rin lang na hindi nagalaw sa upuan na nakasbit nito ang jacket. Hehe, by now baka iniisip ninyo na burara ako. Basta anything other than the bag where my school stuff are in na hindi ko usually dala (paper bags, plastic bags, jackets), may tendency ako makaiwan. * I've just turned nineteen this month. * Na-experience ko na ang pagpila sa tatlong klaseng adjustments ng La Salle: advanced, regular at special. Ang tanga-tanga ko at nagpila ako sa regular kung 'yun pala eh hindi para sa kaso ko. Nasayang ang birthday ko. * Nabawi naman ang disappointment ko over the regular adjustment fiasco having a pahabol vacation over the weekend preceeding the start of the 2nd trimester. My birthday was on the week before the 1st week of the 2nd sem. * Nag-absent na ako in all my subjects for this term except for my Genders class, which also happens to be my one and only class during Tuesdays and Thursdays, and Psycho1. Waiting in line for the special adjustment costed me an absent in Devpsyc, Elesta2 and Litera1. Kaya naman ako nag-adjust dahil para ma-add ko ang Elesta2. Nagkaroon ako ng absent sa Theoper kasi nag-overtime ako sa pagsasagot ng test for Psycho1. 1 lang subject ko tuwing Martes at Huwebes sapagkat tinanggal ko ang isa pang subject na TTh din ang sched to make way for Elesta2. Besides, I can't take that subject yet because I still need to take up its prerequisite. Ba't kasi nagclose na ang online enrollment eh 'di pa ako tapos sa pag-ayos ng sched ko. Nakasave ang sched but not submitted. Also, may mga mali sa course checklist, namely hindi nakalagay ang prereq ang ilang subject. Malay ko ba na hindi ko pa makukuha ang major na tinanggal ko dahil walang nakalagay na prereq except na accepted ka sa Psych program. * Did I ever mention that I'm an AB Psychology student? * In the past 3 weeks, I've took 4 standardized tests. You know, those IQ, personality, aptitude, etc. tests administered by your guidance counselor, or in the case here in DLSU, ITEO. They're all part of our Psychometrics 1 (Psycho1) subject. Mamaya, magsasagot nanaman kami ng 1 pang test. Maikli naman sila; hindi lalagpas ng 200 items. 2 were time-pressured while the rest are not. 2 deal with abstract reasoning, 1 has linguistic and quantitative ("Which number is next in this series?") items and 1 personality test. After answering each test, kami ang nagwawasto ng papers namin ay naghahanap kung ano ang corresponding percentile, stanine and description (High Average, Above Average, Average, Below Average, Low Average, etc.). Hindi naman puro ganyan ang gagawin namin. Magkakaroon din daw kami ng fieldwork. If there's any new learning about myself that I got from the results, it's that I do better when NOT under pressure. Hindi pa namin nachecheck ang personality test namin. * Dahil bihira ako dumaan sa South Gate ng DLSU, I never knew where the ITEO office was. Yun pala ang nasa 2nd floor ng admissions office. May hagdanan sa gilid ng admissions office. Hindi mo makikita ito 'pag pasok mo at hindi mahaba ang pila, kung ikaw ay kukuha o magsusubmit ng application form. * Nakabili ako ng tickets for the UAAP Finals Game 3 kahapon! Upper B seats XD It's better than General Admission; dulong-dulo na 'yon! Buti na lang at nakaabot pa sa akin ang tickets dahil ang daming tao, ang haba ng pila. Too bad na marami sa blockmates ko ang hindi makakapanood. Excited na talaga ako. This is the only game I'll watch live of this season and the 2nd live UAAP game in general (the other 1 being an ADMU vs DLSU game; the last match between the 2 last season. Yep, it was the semis). Sana manalo kami at walang pasok sa Friday.
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|