|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
octubre 14, 2004 Ano bang meron ngayon? Hmm... mukhang mga kaklase ni Funyak ang ilan sa blockmates ko sa Litera2. Nakita ko sila sa loob ng classroom nila nang napadaan ako kanina. Makes me wonder kung ano ang impression nila sa isa't-isa, that is kung nagpapansinan. Kaklase ng isa ko pang kabarkada, si Tina, ang ilan sa blockmates ko sa mga major subjects; some of them yung nasa same Litera2 class as Funyak. Nang nakausap ko si Tina last week, sabi niya na magkakablock ang karamihan sa mga kaklase niya doon. I assume she's referring to my blockmates dahil marami sila doon. Buti pa ang blockmates ko, magkakasama! Because my blockmates are always together (not like me =P), ang mga kasama ni Tina sa klase are those other than my blockmates. Kaya naman hindi ko sila makasama in the same class ay dahil sa bagsak ko at sa priority enrollment na nagdidiscriminate sa mga minalas sa grades.On the other hand, hindi ko pa pala natatanong kay Pipay (ito ang preferred kong tawag sa kanya ^_^), blockmate ko at kapwa taga-model battalion nina Cimber, Shuro at Funyak, kung ano ang impression niya sa kanila at vice versa. Invasion of privacy ba? Ewan ko kung napapag-usapan ba nila ako but I don't think so. Alam ko may schoolmate nung High School si Pipay sa unit namin pero hindi ko rin tinanong eh. Hanggang pagtataka na lang ako at baka may magalit sa 'kin. In relation sa pinag-uusapan ko rito, marami pa ba kaya akong blind spots? Ang blind spot na tinutukoy ko ang mga bagay na nakikita ng iba sa iyo pero hindi mo makita sa sarili mo. Halimbawa: para sa iba, makulit ka ngunit hindi mo narerealize na ganyan ka. Akala mo na ang ginagawa mo ay hindi pa maitatawag na pangungulit. Do I sound paranoid? Hehe, napaisip ako tungkol sa blind spot dahil sa Theories of Personality (Theoper) subject ko. Habang masaya ako sa grade ko sa 1st quiz namin sa Theoper, kinakabahan naman ako sa test results namin sa Developmental Psychology (Devpsyc). Wala talaga kaming libro sa subject na 'yon; panay readings na pinapazerox. May in-charge sa pagzerox ng mga babasahin namin dun for the whole term kaso hindi lahat nabibigyan kahit na nagbayad na kami kasi unahan sa pagkuha ng kopya. Next meeting na lang daw ang kopya namin, ang sabi. BTW, marami yung pinapaphotocopy kaya by installments ang dating. Basta 750 pesos ang binayaran namin PER PERSON para sa lahat ng kopya. If I know, sa Copylandia pa nagpazerox kasi a) marami talagang ipapakopya such that hindi pa yata kasya ng isang oras sa pagkopya nun lahat, b) syempre buong klase naghihingi ng kopya, c) back-to-back ang zerox copy, d) quality of photocopy and paper. Sa kapal nun eh pinabookbind pa ng iba (tulad ni Pipay, na kaklase ko sa lahat ng majors ko ngayon) ang kopya nila nang nakuha nila ang lahat. Noong Wednesday last week yung test namin. 70 items (though according sa prof namin dapat 125-150 items yun, kaso nagkaroon ng delays sa reporting. Mas advanced kaya sa lessons ang klase namin kesa kina Tina! Magkaiba kami ng prof sa subject na 'yon). Ang items cover around 6 chapters sa binabasa namin (readings kasi namin ay mula sa tatlong libro, pinakopya na lang yung mga tatalakayin namin). Dumating ang installment ng kopya ko where doon kukunin ang test nung Lunes bago magtest! Shit, cramming!! Nakita pa ako ni Bom sa library the day before the exam. Nag-aaral ako nun (nakakabagot talaga!! nakakatamad!!) na hindi ko siya napansin. Pagdating ng test... shit, ang hirap!!! Objective siya pero pamatay ang analogy at "which of the following does not belong". Sa Devpsyc kasi, pinag-uusapan ang mga teorya ng paglaki ng tao. Sa mga teoryang iyon, nagbibigay sila ng stages sa buhay na tao depende kung ano ang balak ipaliwanag. Halimbawa: si Jean Piaget ay sumisikap ipaliwanag kung paano nadedevelop ang pag-alam (knowing) ng bata sa pamamagitan ng teorya niya habang si Lawrence Kohlberg naman ay sa pagdevelop ng pagdadahilan (reasoning). Meron din stages para sa sensori-motor growth ng bata (note: nasa childhood pa lang kami. Alam ko sina Tina nasa infancy pa rin yata ang usapan nila. Paano pa kaya pagdating sa adolescence at adulthood?). Hindi lang diyan nagtatapos ang hinagpis ko sa subject na 'yan. Sa mga meeting pagkatapos ng exam, nagkaroon ng mga graded recitation. Malas ko at a) yung pinag-uusapan nila eh wala pa rin akong kopya ng reading kung saan nakabase ang recitation. Ayokong magpaphotocopy nun nung una kasi fully paid na ako eh yun na lang ang kulang ko, at b) nakaupo ako sa 1st row. Ilang beses na akong tinawag. Nang tinanong ako kung nasaan ang kopya ko, ang sagot ko ay "Wala pa rin akong kopya". This however didn't stop my prof from calling my name for recitation kaya humingi ako ng refund para dun sa installment ng mga kopya na hindi na umabot sa 'kin (75 pesos worth!). Pa-zerox ko na lang yung kopya ng iba. Nandun pa naman sa bundle na 'yon ang irereport ko >_< Napapansin ba ninyo ang baybay ko ng "zerox"? Brand ng photocopying machine ang "Xerox", tulad ng "Mongol" = lapis. At nagrant ako tungkol sa Devpsyc. Wala akong masabi tungkol sa Psycho1 o sa Elesta2. I've already spent more than 1k so far for this term para lang sa photocopies (almost all subjects), standardized tests na kinukuha ko sa Psycho1 (350 pesos. Ba't hindi siya kasama sa tuition fee?) at tickets sa mga kailangang panoorin for Litera1 [Fahrenheit 9/11, Himala (musical sa CCP)]. Gawd, I wanna watch the subtitled versions of Ragnarok the Animation ep. 26 (the last episode. I've seen the raw 2 Fridays ago) and Gundam SEED Destiny ep. 1!!!
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|