ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

noviembre 04, 2004

  Ang tigas ng left button ng mouse; mahirap magclick pero copy + paste ako ng kwento tungkol sa 'kin ^_^:


Nang ako ay nasa preschool pa, mahilig akong uminom ng Zesto Orange dahil ito ang lagi kong baon. Hindi basta Zesto; dapat Zesto Orange. Kahit na araw-araw akong nakakainom nito, hindi ako nagsawa. Kung hindi ko gusto ang baon kong pagkain, iinom ako para hindi ako gaanong gutumin sa klase.


Noong isang araw, sumakit ang tiyan ko. Ang pakiramdam ko ay parang napapaso ang loob ng tiyan ko sa hapdi. Nasusuka rin ako. Natakot ang nanay ko sa kondisyon ko kaya dinala ako sa doktor. Ayon sa diagnosis ng doktor sa akin, maraming acido ang nasa loob ng tiyan ko at dahil wala itong matunaw na pagkain, tinutunaw nito nang unti-unti ang tiyan ko. Tinanong naman kami ng doktor kung ano ang mga kinakain at iniinom ko. Nang nabanggit ang Zesto, sinabi ng doktor na masyadong acidic ito kaya kung iinom ako nito, dapat hindi ako gutom.


Sa murang edad ko noon, iniisip ko na nakakasakit ang orange juice kaya iniwasan ko ang pag-inom nito, kahit hindi Zesto ang tatak, ng mga ilang taon. Kung makainom ako, konti pa lang ang naiinom ko at pakiramdam ko ay masusuka ako. Sa palagay ko ay ang epektong ito ay sikolohiyal sapagkat sa kasalukuyan, nakakaubos ako ng isa o higit pa na baso, tetra pack o foil pack ng orange juice, Zesto man o hindi, na hindi nasusuka. Ang mahalaga ay kung hindi sariwa ang inumin, dapat may nakain na ako bago uminom. Hindi ko rin maiiwasan ng panghabang-buhay ang di pag-inom ng orange juice.


Mula sa Devpsyc paper ko
*****************************************************

Sa mga kabarkada ko nung High School, you may or may not remember me being fascinated about this personality test whose results consists of 4 letters. That's the MBTI (Myers-Briggs Type Indicator). I took it again in my Psycho1 class and checked it yesterday. ISTP na raw ako. Naaalala ko tuloy na may post ako dati about ansering BLOGinality. Nung hinanap ko (nasa Feb. 17 entry ko. Hanapin na lang ninyo sa archives), putek ISTP din! I don't know what I got from the one I answered last year but wow... I don't know what to say about this.



*****************************************************


Ang dami kong pag-aaralan for the remaining days of this week at sa susunod na lingo para lang sa Devpsyc test namin next week. I know that I keep ranting about this subject because it relies so much on readings unless makikinig ka at magsusulat ka ng notes ng mga report. Puro reporting eh. Hindi pa naman ako mahilig sa ganitong pagtuturo. Parang konti ng effort ng prof na magturo. Alam ko na hindi dapat i-spoonfeed ang lahat pero mas gaganahan akong magbasa kung laging graded recitation kesa laging report. Buti na lang at tapos na ako sa mga 2nd exams sa Elesta2 (well, the 1st part anyway) at sa Theoper (yes, pasado na 'di pasang awa uli!). Kailangan ko talaga bumawi eh mas maraming kabanata ang nasa test.


Pagkatapos nito, malamang maraming requirements ang ipapatong. Kung sa Christmas break pa ako uli magblog, huwag na kayong magulat. Going off topic, plug-in ko sina Tintin at Pat (oo bom, ang blockmate mo XD).


Really OT:
Gusto ko ng
Athrun plushie (Athrun's the blue-haired one. BTW, that's Shinn next to him; not Kira. Pula ang mga mata ni Shinn; violet yung kay Kira).


revolutionized the world at 1:15 p. m. | | #