|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
diciembre 20, 2004 Babala: Ang mga sumusunod na talata ay naglalaman ng wikang 'di angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan.Paggising ko sa umaga ngayon, nadarama ko na ang puso ko ay tumitibok ng mas malakas na para bang may gustong ipahiwatig sa 'kin ang bawat tibok. Kors kards ngayon. Kors kards ngayon. Nangamba ako. Shet! Kinakabahan ako! Patay! Ayokong bumangon. Paano ba naman eh hindi ako makatulog kagabi dahil sa takot. Napansin ko ang nakakabulag na sinag ng araw na siyang dumaan sa bintana ng kwarto. Anong oras na ba? Sana isang panaginip lang 'to. Bigla kong nasilayan ang cellphone sa tabi ko. Inaabot ko ito at tumingin sa oras na lumalabas sa screen nito. 8:30 am... shet!! Naalala ko na alas otcho hanggang alas nuebe y medya ang labas ng tatlo sa course cards ko. Hindi ako makakaabot sa oras dahil alam ko na matrapik na sa South Super Highway o sa Roxas Boulevard kaya nagtet ako sa isang kaklase ko. ei! fvor nman. pwd pkha ng cors crds ko sa mjrs ntn xcpt 4 dvpsyc. kunin ko syo mamaya. tnghali kc ako ng gcing. thx! Bumangon ako sa aking higaan, inayos ito at nagtupi ng kumot nang nagreply itong si klasmeyt: ok =) Ayos. Itinuloy ko na ang mga ritwal ko sa umaga: maligo, magbihis, kumain ng agahan at umalis ng bahay. Nang pagpasok ko sa silid aralan, napalakas lalo ang tibok ng puso. Wah! Siguradong mababa ang makukuha ko dito. Teka, may tumatawag yata sa 'kin. Kinausap ako ng isa sa mga kaklase ko sa subject na 'yon. kaklase: Kamusta? ako: 'Eto, kinakabahan sa grade ko dito. kaklase: Bakit, hindi ka ba pumunta sa pre-final? ako: Punyeta, huwag mo paalala sa 'kin iyan! Oo. kaklase: Ah. Dumami ang mga tao nagsipasok sa kwarto't naging SRO. Hinintay ko ang pagdating ng prof ko. Bawat sigundo, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ilang sandali na lang at sasabog ito sa kaba. Sana hindi siya dumating. Sana hindi siya dumating. Maya-maya, isang malaking lalake ang dumating. Sana hindi mababa ang grade ko. Sana hindi mababa ang grade ko! Umupo sa harap ang prf namin, inalabas ang course cards, tinanggal ang rubber band at nagwika, "Ang grade niyo dito ay final na. Hindi na ako mag-eentertain pa ng mga pagbabago dito. Napag-usapan na natin 'yan nung (isang) Sabado." Putcha! Konti na lang at hihimatayin na yata ako sa anunsiyo niya. Nagtawag na ng mga pangalan ang prof ko. Parang gusto ko nang kumatok sa langit at humiling ng himala. Nanginginig na ako kahit na hindi malamig ang silid. Naririnig ko ang mga kaklase ko banggitin ang grado nila kung sila ay pumasa. "Yes! Tres ako," "Ang baba naman, dos singko," "Uno lang ako," atbp. Nang tawagin na niya ang pangalan ko, boom! Akala ko may bumato sa ulo ko't napatungaga ako sa prof ko. Heto na 'yon. Breathe deeply. Calm down. Unti-unti akong tumayo sa aking inuupuan at dahan-dahan kong lumapit sa harap upang hindi makabangga ng tao sa masikip na silid na 'yon. Sa mesa ng titser, inilapag ng prof ko ang course card ko na nakatalikod. Tinignan niya ako mabuti bago niya inabot sa 'kin ito. Masama ang kutob ko. Hindi kaya... Umalis kaagad ako sa kwarto ngunit bago ako lumabas sa pinto, nasilipan ko ang laman ng kahon na nasa taas ng katagang FINAL GRADE. Sa mga sandaling iyon, gusto kong maglaho. Hindi ako makapaniwala. Dalawang bilog ang nakasulat sa loob ng kahon. Pakshet!!! Paano 'to nangyari? Kahit sa mga sandaling ito, hindi ko maisip na bagsak nanaman ako. Ang masakit pa ay hindi ito isang major kundi isang floating. FLOATING!!! Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito ang grade ko. Nakuha ko na ang tatlong course cards na pinakuha ko sa kaklase kong isa at ang isa pang course card para sa natitirang major. Dapat masaya ako dahil may dalawa akong 3.0 at dalawang 3.5; lahat ng mga 'yon sa majors pero hindi! Oo at mababa ang midterm exam grade ko sa floating na 'yon. Oo at hindi ako nakapagpasa ng dalawang papel. Wala akong ideya kung gaano kalaki ang epekto ng mga papel na iyon sa grado ko. Ang buong akala ko ay kung may ibabagsak man ako ngayon, doon sa isa ko pang floating. Tama ang mga nabasa ninyo, may kutob ako na bagsak ako doon sa isa ko pang floating subject. Bakit ko nasabi 'yon? May dalawang papel din ako para doon na hindi ako napasa. Ang sa alam ko, mas malaki ang mga epekto sa grade ang mga ito kesa sa mga papel sa nabagsak ko. Sa ngayon, hindi ko alam kung bagsak na rin ako doon; hinihintay ko pa ang pagbigay nito kaya nagawa ko pang magblog. Hindi naman ako bagsak sa midterm grade ko dun sa isa samantala yung iba ay mababa talaga. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit bumagsak ako sa isa. Ito ang pangalawang bagsak ko ngayon sa kolehiyo. Talagang hindi ko maitatago ito sa nanay ko't kailangan ko magsummer kung hindi ako pwede magoverload sa huling term ko. Kung bagsak din ako sa isa, ano kaya ang mangyayari sa 'kin? Kickout na ba ako? Bihira ako magcut ng klase. Nung nagcut ako, hindi ito para sa maglaro ng Ragnarok sa mga com shop pero para tapusin ang gawain ko sa ibang subject. Isang beses lang ako gumimik ng gabing-gabi (as in umuwi ako ng alas dos ng madaling araw) para mag-inuman at mas lalo hindi ako nagyoyosi kaya malabo ang magcut ako ng klase upang tumambay sa Agno. Ang sakit isipin na ang dahilan ng problema ko ay kapapabayaan sa pag-aaral ko. Hindi ko magawa na bigyan ng pantay-pantay na pokus sa lahat ng mga asignaturang kinukuha ko. Matagal na bagay ang pagiging mataas ang marka sa isa habang mababa sa isa pa ngunit sobra na ito. Alam ko na lahat ng tao na nakilala ko, pati na ang sarili kong pamilya, ang hindi makakapaniwala sa sinapit ko ngunit ito ay totoo. Itong taong ito ay bumabagsak. Oo, ang tataas ng marka ko sa majors pero paano ang floating? Kaya hindi ko gustong kumukuha ng floating dahil alam ko na ito ang nagpapahila sa 'kin ng pababa sa GPA. Baliktad ako no? Basta, hindi masaya ang Pasko ko ngayon. Sermon ang aabutin ko rito, lalo na kung nalaman ng pamilya ko na pangalawang bagsak ko na ito. Biruin ninyo, nakalusot pa ako sa unang beses. Nagtataka ako noon pa kung paano pa ako umabot ng kolehiyo, kung paano pa ako natanggap sa degree program na kinukuha ko sa sama ng studying habits ko. Oras na pala upang alamin ang grado na nakasulat sa huling course card ko. Kung ano man ang nakalagay doon, tanggap ko ang responsibilidad na binibitiw nito. Wala rin ako magagawa. Huli na. Kahit na hindi ako gaanong relihiyoso ngayon, mananalangin ako na sana hindi ako itakwil ng magandang hinaharap dahil sa mga aksyon ko. EDIT (at a later time): Hindi ako bumagsak sa isa ko pang floating. Uno lang. Kung sabagay ay hindi ko kailangan mag-adjust dahil ang kinuha kong floating para sa susunod na term ay nangangailangan na ipasa ko yung floating ko na uno.
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|