ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

marzo 25, 2005

  Once again, nagtayp ako ng entry tapos 'pag pindot ko ng "Publish Post" button, nagka-error. Gusto ko sana magmura dito kaso Good Friday ngayon.


Ang pangit at ilang linggo na ang nakalipas pero ang latest entry mo ay tungkol pa rin sa away ninyo ng ate mo. May pasok pa rin kami dito. April 12 ang latest na may pasok dahil finals week na nun eh hindi ko pa alam kung kelan ang last exam ko. Pagkatapos nun, may 1 week vacation ako dahil may summer class pa ako. Nag-enroll ako sa summer term para magbawas ng load sa last term ko, which would be on January-April 2006. Matagal na kami ok ng ate ko. Oo, at hindi kami close ng ate ko. Nakakalungkot pero hirap ako magkonek sa kanya at 6 taon ang agwat namin. Prep pa lang ako eh 1st year HS na siya. Tapos, bihira ko na rin siya kung makita kahit na nakatira kami sa ilalim ng iisang bubong. Kung wala siya sa trabaho (systems analyst siya sa isang American company na may office din dito sa Pilipinas. Ang sinusunod nila doon ay schedule ng mga Kano sa U.S. kaya kahit Biyernes Santo, may pasok pa rin siya), may date siya ng BF niya o kaya gimik. Minsan nga, naiimbita siya sa kasal ng kaibigan niya kaya wala siya buong araw. Nasa edad na siya kung kelan ang mga taong kasama niya ay nagpapakasal na kung magpapakasal.


Binasa ko ang blog nina Gemie at KC at pareho ang sentiments namin sa isa sa prof namin. Biruin mo, this is a test question:


1. Ang pagtatanong ba ay maihahalintulad sa "Impormal na interbyu"
a) totoo
b) totoong-totoo
c) hindi totoo
d) hinding- hindi totoo



So it's a 75-item test na ang time alotted for answering is only 30 mins, but that's not what I'm upset about. Pinapaulit sa 'min ang pakikipagkwentuhan kung kelan Holy Week! Due pa naman ito on or before Monday. Ang baba niya magbigay ng grade! Nanggaling na ako ng Bulacan, nagbayad ng 156 pesos pang-toll (roundtrip na 'yan), ginawa ko ito ng solo (may additional points raw kung solo mo gagawin tapos sa probinsiya. May plus points din kung recycled paper ang gagamitin sa hard copy), bumili ng tape recorder at blank tape para sa subject niya tapos isang malaking itlog ang makukuha ko?! Where's the additional points? Nung nakita ko ang score, cancelled out ang bonus points ko sa minuses. Ginawang right minus wrong ang transcript namin! Nakakaasar talaga tapos ang laki-laki ng porsyento nito sa final grade namin iyan. Paano ba kami papasa sa subject niya kung ganyan ang pinapagawa?

revolutionized the world at 3:37 p. m. | | #