|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
mayo 31, 2005 Hindi pumasok ang last period prof ko ngayon kaya napag-isipan ko na magblog na lang. Anyway, sabi sa 'min ng 1st period prof sa TTh sched ko, magkakaroon nanaman ng palit sa prof dun sa klase na 'yon dahil nagkaroon ng reshuffling sa kung sinu-sino magtuturo sa ilan mga major subjects sa Psych. Err... ok. Wala sa amin ang nakakakilala sa replacement niya dahil bago. Sana hindi marami ang ipapagawa sa 'min nung bago tulad ng papalitan niya. Sana rin ay malinaw din siya magturo, 'di tulad ng isa sa mga naging prof ko dati (na wala na sa La Salle) na hindi namin maintindihan ang ipinapaliwanag niya. Ang masama pa nun math subject ang tinuturo niya eh mahina ako dun. Tungkol naman dun sa isa ko pang prof na naging prof ko uli for the 3rd consecutive term dahil sa reshuffling, mukhang totoo ang kasabihan sa Psych students ng DLSU-M na hindi ka makakagradweyt ng La Salle nang hindi mo naging prof yung tao.Iniisip ko na lagyan ng permanent link 'tong blog na ito. May mga post ako noon na kung saan nababanggit ko ang nasulat ko dati. 'Pag ganun, nilalagyan ko ng link ng buwan kung saan matatagpuan yung entry na binanggit ko (naka-set sa monthly ang archives ko). Kaso mukhang dapat naka-enable yung title field para magkaroon ng permanent link. Hindi naman ako kadalasan naglalagay ng pamagat sa posts ko. Tapos naisip ko rin na hindi ko madalas magagamit 'yon dahil hindi ko natatandaan ang lahat ng sinulat ko sa blog na ito. Circa September 2003 pa ito. I also checked out my old entries at 'di ko alam kung bakit pero ang pangit ng labas nila sa screen. Meron mga sulat na lumalagpas sa "body" ng blog, meron naman yung magkadikit-dikit ang lahat ng lines to form 1 very long paragraph instead of the original several shorter ones. In short, nevermind >_< Ano pa ba... napa-adik ko ang kababatang kapatid ko sa Death Note kagabi. Pag gising ko ng 5:30 a.m. kanina, nakita ko na nagbabasa pa rin siya nun sa kompyuter. Hindi pa siya natutulog nun dahil hindi niya mababa. Nagustuhan daw niya. "Ang tatalino naman ng mga tao dun!" wika niya. Hehe, 'yun ang isa sa mga appeal ng Death Note. Sa talino ng dalwang main characters doon, ma-iintriga ka kung sino sa kanila ang mag-outwit sa isa. Hehe, sabog nanaman ako dahil sa dami ng ginagawa ko lately. Palipat-lipat ako from one unrelated topic to another. You see, I type as I go. Wala na talaga ako masabing iba pa, maliban na lang na katabi ko ngayon si "Mahusay", isa sa mga kabarkada ko (syempre batchmates ko nung High School ang nakakakilala sa kanya). Teka... nandito rin pala sa computer lab si Syun. I also tried answering this World View Test, and this is what I got (credit goes to Ava): Existentialist - 69% Cultural Creative - 69% Modernist - 63% Idealist - 63% Postmodernist - 56% Romanticist - 56% Fundamentalist - 44% Materialist - 38% I guess this is all for now ^_^
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|