ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

mayo 27, 2005

  Recap ng mga pangyayari, starting with my last post:

May 16 & 17: The last 2 days of my summer classes. Actually, last 2 meetings ng Relstri. Wala na kasi kaming meeting sa Philper since Saturday, May 14. Hindi naman ako pumasok nung last meeting namin sa Philper kasi tinatamad akong pumasok ng Sabado ng hapon. Wala kaming meeting sa Relstri nung araw na 'yon dahil community service ng iba. Back to May 16 & 17, tipong last few lectures tsaka binigay yung mga tanong na pipiliin namin sagutin sa final paper namin.

May 18: Dumaan ako sa DLSU para magsubmit ng final paper. Pagkatapos, pumunta kami ng nanay ko sa West Ave, Q.C. para sunduin ang tita ko. Nang dumating kami sa West Ave, nagtanghalian muna kami bago kami pumunta ng Cavite. Naghahanap kasi ang tita ko ng mga gumamela na itatanim sa bakuran niya. Same goes for my mom kung may magustuhan din siya. Buti pa sila, may greenthumb. May nabili silang mga halaman pero hindi gumamela.

May 19: Showing ng Star Wars Episode III-Revenge of the Sith. Nagyayaya ang utol ko na samahan ko siya manood. Tinanggi ko dahil tinatamad ako tsaka gusto ko mag-enjoy ng konting panahon ko na nasa bahay ako ng buong araw. Nanood na lang siya mag-isa. Siya naman ang maka-Star Wars sa amin. Sa murang edad ay iilan beses na niya napanood ang Episodes IV-VI. Nakakanood ako ng Star Wars dahil sa kanya.

May 20: Course Card Distribution for summer term sa La Salle. Hindi ako nagpakita for the same reason kaya hindi ako nanood ng Revenge of the Sith. Sino naman ang magtiyatiyaga maglakbay ng isang oras (traffic included) para lang kumuha ng 2 course cards tapos uwi? Not me.

May 21 & 22: Nasa bahay pa rin, naghahanda ng gamit para sa pasukan. Kung nasa harap ako ng kompyuter sa bahay, either naglalaro ako ng Lineage 2 (private server nga lang kasi walang official local servers tapos pay-to-play yung international) o nagbabasa/nagdadownload ng manga scanlations.

May 23: 1st day nanaman. 1st class (MWF sched) - laking gulat namin sa klase at ang prof na magtuturo ay hindi yung nakalagay sa EAF (enrollment assessment form) namin. Worse, it's my Devpsyc & Sikopil prof who've I ranted about for 2 consecutive regular terms. 2nd class - Chinita prof na may mga chismaks sa iilan sa faculty. Warning daw 'pag pumili na kami ng mentor sa thesis. Makwento. Nagwarning din about sa pagpili ng kagrupo sa thesis. 3rd class - isa pang Chinita prof. Pinasagot kami ng 2 tanong bilang pang-introduce ng bawa't isa. 1st question was "What is my weirdest behavior?" Sabi ko may pagkaOC ako pag nagsusulat. Mahaba ang diskripsyon kung ano talaga ginagawa ko dun sa particular na OC habit ko kaya next time na lang =P 2nd question was "If I were to have a mental disorder, what could I possibly get?" Sabi ko paranoia.

May 24: 1st class (TTh sched) - 'eto pa, iba nanaman ang dumating na prof sa nakalista sa EAF. Siya yung prof ko last (regular) term na nagpagawa ng 5 research papers. 2nd class - ang ganda ng elective ko, Catholic Literature! >.> Ano tatalakayin namin? The Divine Comedy (Inferno, Purgatorio at Paradiso) ni Dante Alighieri, Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer, Paradise Lost ni John Milton, some poems, psalms, prayers in latin... kung may idea kayo sa at least 1 of the 1st 3 titles na nabanggit ko, sana gets ninyo yung coverage. Mukhang ok naman, compared to taking Tolkien, or Drama and Theatre. Gusto ko sana yung kay J.K. Rowling kaso full na (tandaan na sa July na po ang Harry Potter Book 6: The Half-Blood Prince ^_^). Bakla ang prof. 3rd class - 'Sus, isa pang baklang prof! Mas mataray nga lang itong isa. Ang arte ng accent; naalala ko tuloy yung Artapre prof ko. Katakot.

May 25: Simula na ng lectures. Wala pa naman masama nangyari, lalo na sa 1st period. Sinusubukan ko bumawi sa impression dun sa 1st period prof ko by reciting in class. Mahusay naman daw ang mga sagot ko sa mga tanong niya. Nagkaroon ng libreng concert featuring Parokya ni Edgar nung ala una ng hapon. Syempre sponsored ng Rexona (Let's do the funk! LET'S DO THE FIRST DAY FUNK!!!). Mas gusto ko pa rin yung last time na nagconcert sila sa DLSU, mas marami pa sila kinanta nun.

May 26: Pinaalala pa sa akin ng 1st period prof ko yung single-n experiment namin noon by making it into an example. Wala lang, didn't expect him to remember me although grupo namin ang laging nasa receiving end ng criticisms niya dun sa research papers. Pinaalala naman sa 'kin ng 2nd period prof ko yung mga bagay-bagay na dapat natutunan daw namin sa Litera1 at Litera2 nguni't ang huling beses na naranasan kong tinalakay ang mga 'yon ay nung nasa mataas na paaralan pa ako. Dahil maraming naturn-off sa 3rd period prof namin nung 1st meeting, may mga drop. Hinihintay ko na lang yun madissolve. Outside academics, napagalaman ko na gumamit daw ang Bayo ng art para sa designs ng pinakalatest line nila without permission of the artists. Meron pa ako narinig na nagrip-off din ang Session Road ng kanta. Tapos ang Gravity, ang kompanya na gumagawa ng Ragnarok Online sa South Korea, ay kinasuhan ng stock fraud. Kung hindi mababayaran ng Gravity ang damages sa isang taon o kung kelan man mahatulan ang kaso, it's bye bye Ragnarok dahil madadamay nito ang lahat ng official servers ng laro sa buong mundo, kasama ang Pilipinas. Basta hanapin niyo na lang sa online news dated around this week or last week about Gravity's case.

May 27: Wala pa rin masama nangyari sa 1st period. Hindi ko pa pinahiya ang sarili ko such that mapapahiya niya ako sa klase (gets?). Nagpropose naman kami ng topic na pwede ipang-thesis sa 2nd period kaso na-disappoint yung prof namin dun sa isang grupo (hindi kami 'yon). Buti pa yung isa pang grupo, approve na kaagad. Sa 3rd period, sinasagot namin kung true or false yung ilang statements about mental disorders and the people who suffer from them. Nagregister din ako para sa yearbook.


Bale, ito ang nangyari sa 'kin XD

revolutionized the world at 3:48 p. m. | | #