|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
mayo 04, 2005 This is basically a continuation what I've posted yesterday.At the rate and time span that we're having for summer classes, I hope nobody is thinking of having midterm exams. That's one less criterion to base our final grade, whether we like it or not. Also, it seems that the deadline for paying the tuition fee for incoming freshmen is at hand. I'm seeing more and more people lining up at the university's business office. Oh, and people with their x-rays. Before I know it, baka LPEP (freshmen's orientation) na pala. I don't know if it's just me pero ang dami kong nababalitaang mga namatay na lately. Kaso puro hindi ko kilala. Araw-araw, may namamatay nguni't kung gagawin mong tig-individual case, iilan na ang mga balita recently. Hindi ako nanonood ng news pero minsan nagbabasa ako ng dyaryo. Kanina, nalaman ko na wala na ang lola nung isa sa mga kaibigan ko sa high school (hindi ko muna ilalantad kung sino siya). Oo, parte ito ng buhay; sa katunayan nga eh ito ang huli. Kahit na ganun, nakakalungkot isipin tuwing may mabalitaan ako. Hindi ko sinasabi na sana walang kamatayan. Hello, overpopulated tayo (dito anyway). Sa aming pananampalataya (kami ay Katoliko), naniniwala kami na may buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan. Ang problema ay mapapatunayan ba ito? Hindi kaya ito isang kathang isip na nilikha upang ma-comfort ang mga minamahal sa buhay ng taong namatay? Nakasalalay sa inyong paniniwala ang mga ganyang bagay. Hindi pa ako nakakakita ng multo nguni't ang ate ko nakakita't nakaramdam na, kasama na raw diyan ang aming ama. Hindi gaanong maganda ang relasyon ng ate at tatay ko. Hindi naman nanakot ang aming ama. Nagpakita rin siya sa isa sa mga kasambahay namin. Nung nangyari iyon, kung hindi ako nagkakamali rito, kakamatay lang niya nung araw na iyon. Hindi na siya nagpakita muli. Naabutan pa ng ate ko ang ama namin sa kanyang huling sandali; nahuli naman ako kaya iniisip ko na swerte siya kahit na nag-away sila noon. Kahit na hindi pa ako nakakakita ng multo, naniniwala ako na meron ngang multo at karugtong nito na may buhay na walang hanggan. Sana walang mananakot sa 'kin; ok pa kung magpapakita o magpaparamdam ^^ Ayan, napaaga ako sa pag-usap ukol sa ganitong bagay. Pang Okt. 31-Nov. 2 ang diskusyon ko rito.
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|