ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

mayo 03, 2005

  *Wonders if there are people who are wondering why I haven't updated this blog with a new entry despite the period being summer vacation*

I've just begun my second week of summer classes *damn space bar!*. Nakakanibago ng pakiramdam ang pagpasok sa ganitong panahon dahil karamihan ng mga estudyante ay hindi nag-eenroll sa mga ganito. Sino ba naman ang gustong isakripisyo ang bakasyon nila para mag-aral, lalung-lalo na kung trimester system ang ginagamit ng paaralan mo? Eh 'di mga gustong magbawas ng kanilang workload sa kolehiyo. Hindi ko pa muna isasama ang mga nagsummer dahil may bagsak. Yung iba nga eh may subject na tuwing summer term lang ino-offer, tulad ng mga taga-BS Psych (buti na lang at AB ang kinuha ko =P). Yung subject na 'yon na kanila lamang ay nag-iinvolve ng immersion sa isang komunidad. Ibig sabihin niyan ay kailangan nila manunuluyan doon. Ako? May binagsak ako dati. Inulit ko na siya kaya ang kinukuha ko ngayon ay ibang subject naman. Para hindi sayang ang pagbiyahe ko papunta at pauwi nang 6 na beses sa isang linggo, kumuha pa ako ng isa pang subject kaya 2 ang pinapasukan ko. Sa katunayan nga eh kakatapos kong magreport para sa isa sa mga subject na 'yon. Ang masasabi ko lang ay I need to improve. At least lumalabas ako ng bahay at nakakapagpalamig man lang. Grabe, ang init!!!

Kapag pumasok ka ng summer sa DLSU-M, advisable ang magbaon. Wala ka masyado makakain sa canteen tsaka 30 minutes lang ang break, kung magkasunod ang mga klase mo. Dapat lagi mo dala ang official receipt ng enrollment mo sa summer at hinahanap 'yan ng librarian tuwing papasok ka sa library at tuwing maghihiram ka ng libro, kaya hindi rin ito dapat iniiwan sa bag 'pag sinurrender mo sa baggage counter ng library. Hinahanap din ang O.R. tuwing gagamit ka ng computer lab (sa LS pa lang ako nakagamit. Hindi ko alam kung bukas rin yung iba). Unless ma-PR ka, maganda kung may kasama kang kakilala sa klase kasi cross-college ang section. Maghanda ka rin ng maraming barya kung yung kinuha mong subject ay maraming pinapabasa dahil araw-araw kang magpapazerox. Ito pa laman ang mga practical na bagay na natutunan ko.

Nakakanibago talaga ang summer term. Biglang tahimik ng campus. Wala masyadong tao kaya mukhang ok tumambay sa tambayan ng mga athlete at pep squad; wala nga lang ako oras. Walang concessionaires sa canteen, kakaunti lang ng mga available photocopiers, lagi kang pinapahanap ng O.R. Sa mga pinasukan kong klase, full siya tapos puro kayo galing sa iba't-ibang kolehiyo ng unibersidad. Kayo-kayo lang din ang kumukuha nung subject (well, dun sa isa kong pinasukan). Alam ko yung iba gusto pa rin mag-enjoy ng bakasyon nila kahit basahin nila ito pero... wala lang, I think people should try to experience this kung ang ginagawa lang din nila buong bakasyon ay tumanganga sa bahay. Iba talaga ng dating. Kung ayaw ninyo ng summer classes sa school, workshop na lang. Yun, hindi ko pa sinusubukan kaso isang taon na lang ako sa kolehiyo. Basta productive.

revolutionized the world at 3:57 p. m. | | #