|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
|
|
|
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
|
julio 01, 2005 Hindi ko akalain na sa araw na ito, makikita ko for the 1st time since High School grad ang isa sa classmates ko nung HS. Ganito kasi ang nangyari:Pinapasok ako ng nanay ko ng maaga dahil hindi namin alam kung sobrang trapik ngayon sa daan. May mga araw kasi na matindi talaga ang trapik eh tinanghali ako ng gising kanina. Bale, umalis ako ng bahay ng 'di pa kumakain ng agahan. Sa awa ng Diyos, hindi matrapik kaya naisipan ko kumain muna sa McDo. Nang pumasok ako sa McDo, syempre naghanap ako ng pwesto. Biglang may tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko ang dating klasmeyt ko. Laking tuwa ko't nakita ko siya muli pagkalipas ng halos tatlong taon kahit na hindi kami close (pero may pinagsamahan naman ng konti). Pero sa pagharap ko sa kanya, agad ko tinago ang gulat at sinubukan ko mag-act cool. Nagpalitan kami ng "Uy! Long time, no see!" at tinanong niya kung san na ako nag-aaral ngayon. Sinagot ko siya ng "Sa Main" (dahil may mga taga-CSB na sumasagot ng "Sa La Salle" kapag tinanong mo sa kanila 'yun). Hindi ko na tinanong sa kanya kung san siya nag-aaral dahil napagalaman ko sa uniporme na suot niya =b Dinagdag niya kung anong ginagawa ko sa McDo at sabi ko sa kanya na kakain pa lang ako ng agahan eh 'eto, naghahanap ako ng lugar. Nagyaya siya na samahan ko sila ng kapatid niya at BF ng nasabing kapatid. Tinanggap ko naman ang alok. Nang nakabili na ako ng pagkain, nagkwentuhan kami. Tinatanong ko sa kanya kung alam niya ang nangyari sa yearbook namin. Ang sagot niya ay tulad sa nakalagay sa latest entry ng kaibigan kong si Jena (yung tungkol sa yearbook namin, hindi yung sa disunity ng batch namin). Ako: Naku, hihingi ako ng refund. Siya: Pero naaalala mo ba nung 3rd year tayo, tsaka lang nilabas ang yearbook ng big sis (mga 4th year nung 1st year kami) natin? Ako: Oo. Siya: Baka hintayin ko pa ng isa pang taon. Ok, ako rin maghihintay ng isa pang taon nguni't kung wala pa rin ang HS yearbook namin by then, magdedemanda na talaga ako ng refund. Umabot ang usapan namin sa batchmates namin; kung san nag-aaral yung isa o kung sino na-kickout kaya nag-aral sa ibang school. Basta mahabang kwentuhan habang kumakain ako. Kutob ko baka may nasabi pa ako na dapat hindi tulad ng bagong cell numbers ng ilang tao (ang babaw ko noh?). Sayang lang at umabot rin sa oras kung kelan kailangan kong pumasok. Wala lang; hindi ito madalas mangyari sa 'kin. TGIF! Bukas ang scheduled pictorial ko. Sana matino ang kalalabasan ko dun at hindi pa naman ako photogenic >.> Being the Naruto fan that I am, napapasali na ako sa mga fangirls for the latest bishounen revealed sa manga... si Sasori!
|
|
||||
|
|
||||||
|
|
|
|
|
|
|
|