ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

mayo 04, 2006

  After 10 million years...

Actually, mga 5-6 months lang ako nawala. Matagal na rin yun! Sabi ko hindi lalagpas ng Abril eh Mayo na pala >_< So... eto, mukhang back to blogging na ako. Syempre marami nang nangyari tulad nung Pasko, New Year at Holy Week. Masaya naman ang Pasko ko - nasa Subic kami ng pamilya ko. Hindi pa kami nag-out of town ngayon bakasyon maliban na lang nung umabot kami ng Tagaytay nung Maundy Thursday. Sa ngayon, nakikitira ang lola ko.

Pagdating naman sa mga nangyari sa 'kin sa school, hindi ko masyado hilig pagusapan nito. Ang ok pa na ibahagi ay ang nang nalaman ko sa thesis mentor namin na kinasal lang recently (by this time) ang thesis mate ko ^^v Ano ba naman 'yan, halatang hindi kami close ng partner ko. Baka akala niya na nasabi na alam ko dahil natatandaan ko pa na nagtext sa 'kin na hindi siya makapunta dahil nagpa-ultrasound. Hay, ang pangit ng nag-asawa kasi nabuntis ang girlfriend.

Sa ngayon, kapag online ako, madalas ako pumupunta saMangaHelpers. Kung mapag-isipan ninyo na hanapin ako dun, ako yung "Ayah" na global moderator. Maliban sa usual gawain ng mod sa isang message board, nag-uupload din kami ng mga raw at scanlated manga chapters for download dun sa server. Sa ngayon, puro sikat na shounen titles ang meron kami nguni't balak din namin mag-expand pa sa mga iba pa kung may willing na translator. Ironically, hindi ako nakakaintindi ng Niponggo. Halata ba ang shameless plugging?

Sa mga nagtataka, mula sa isang napakadilim na layout, naging napakaliwanag. Nung napagisipan kong gamitin yung lumang layout ko (version 9), medyo down ako. Dapat ngayon, mas maging ok naman ang pakiramdam ko. Kung hindi kayo masyadong knowledgeable sa mga manga at anime, ang mga characters na featured sa layout ko ngayon ay sina (from L-R) Rukia, Ichigo at Renji ng "Bleach". Sa mga nakakaalm naman, plus points kung nakita ninyo si Kon XD Nakakatuwa na nasa layout mismo yung 'retro perspective' eh tempted akong ilagay sa title bar iyon kung gumagana sana ang strikethrough. Ito na lang muna sa ngayon at susubukan ko palitan ang background color ng archives ko.

revolutionized the world at 7:29 a. m. | | #