ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

mayo 22, 2006

  Sa ayaw ko o sa hindi, unang araw ng pasukan sa amin ngayon. Ganyan talaga kapag trimester. Okey na sana ang araw ko ngayon kung umabot pa ako sa bigayan ng number sa pilahan ng adjustment. Sinabihan ako ng secretary na bumalik bukas. Bukas? Eh Lunes at Biyernes lang pasok ko. Kung nakapag-adjust ako, naging MWF 'yan.

Tulad ng mga nakaraang termino, nagkaroon ng pagbabago sa propesor na magtuturo sa isang subject kanina. Yung prof naman na pumalit ay yung prof ko sa Developmental Psychology, Sikolohiyang Pilipino at Social Psychology. Ang subject: Clinical Psychology. Pang-apat na beses ito kaya natatandaan pa niya ang pangalan ko. Maliban na lang sa tatlong tao, kilala niya ang lahat sa klase daahil naging titser na namin siya noon, depende sa subject. Kung sa mga nakaraang termino ay nababagot ako tungkol dito nang nalaman ko na siya ang magtuturo (ang daming pinapabasa tapos ang hirap ng exam tsaka magkakasunod pa na term ko siya naging guro), ngayon ay okey sa akin kung siya ang magtuturo. Nasanay na ata ako sa kanya at alam ko ang dapat kong gawin para pumasa. Sa bagay, hindi pa niya ako binabagsak sa final grade kahit na mababa ang iskor ko sa mga exam niya. Pagtiyatiyaga ko ito; nakakahiya ng bumagsak kung kelan last term ko na.

*****************************************************

Nakakainis nguni't nakadama ako ng matinding sakit sa tiyan noong Sabado ng hating gabi/Linggo ng madaling araw. Hindi ko malaman kung food poisoning ba o ulcer ang sanhi (sa palagay ko ay ulcer). Ang sakit sobra! Gusto kong matulog nun pero hindi ko makayanan ang sakit. Nakainom na ako ng dalawang tabletang Simeco pero 'la epek. Doon pa sa ikatlong inom gamit ang ibang gamot bago nagsimulang mawala. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa 'kin ito. Nangyari rin ito nung death anniversary ng tatay ko at 2nd term last year, nang pauwi na ako ng school. Ito yata ang pinakamalala. Akala ko aabot pa ito sa doktor, lalo nang sinabi ng nanay ko na "Pag hindi ka pa gumaling, dadalhin na kita sa ospital."

*****************************************************

Napanood ko na ang Da Vinci Code noong Biyernes, pagkatapos ko magbayad ng tuition. Bilang isang tao na, sa maniwala kayo o hindi, ay hindi pa nakakabasa nung libro, ang masasabi ko ukol sa pelikula ay hindi tugma ang hype na dala ng kontrobersya sa kung gaano kaganda o kapangit nito. Alam ko na bago ko pinanood ito ang mga punto na nagbigay ng attensyon mula sa Simbahan at mga relihiyoso nguni't nagtataka ako kung bakit nagkaroon pa ng ganitong kalaking kontrobersya. Marahil ay mas madaling isipin na hindi totoo ang isang bagay kung ito ay pelikula kesa libro. Oo nga at salungat ang mga nabanggit sa Da Vinci Code sa tinuturo ng Simbahan pero hindi pinoproklema ni Dan Brown na tama siya. Ginamit niya ang mga yun para magbigay ng rason sa siyang nagdulot ng buong gulo sa kwento. Napasobra naman ata ang reaksyon ng Simbahan at ng mga relihiyoso with their sermons, books and documentaries that one can't help but be more suspicious about them. Baka napa"bilib" ako sa hype kaya ganito ang reaksyon ko. Daqhil ito ay film adaptation, hindi maiiwasan ang pagbabawas at pagbabago sa eksena. May narinig ako na may mga parte sa libro na maganda raw pero hindi naisama. Hindi ko alam kung mas magugustuhan ko ba siya kung nasali pa sila.

May mga tao na pro-banning dun sa movie (what about the book? It's been out for... what?) dahil blasphemous. Gusto ko silang sabihan ng, "Is it non-fiction? If it is, go. If it's not, then don't. Use common sense." Doon naman sa banning ng pelikulang ito sa mga cinema sa Maynila (nanood ako sa Makati dahil ang pinakamalapit na sinehan sa school ko ay nasa Maynila tapos yung pinakamalapit sa bahay namin ay SM), kaya siya rated R dahil sa nudity nguni't may napanood na akong ibang pelikula na mas malala sa nudity kesa rito pero sa SM lang hindi mapapalabas kung umabot noon pa ang policy ng SM. Blasphemy lang talaga. Hindi ako debotong Katoliko, hindi rin ako atheist nguni't sa palagay ko ay wala pa ako sa level ng mga agnostic. Hindi lang ako nagsisimba regularly, ilan buwan ang nakalipas mula nang huli ako nakapagcommunion, hindi ako nagdadasal maliban na lang kung ako ay obligated o kung may malaking problema ako. Kahit ganun eh hindi ako against it. Nakakabagot ang hype, parang sa Star Wars prequels.

revolutionized the world at 4:15 p. m. | | #