ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

mayo 24, 2004

  Dahil ngayon lang ako uli nakakagamit ng computer ng matagal...

Yep, ngayon lang uli. Ayaw kasi umalis ng utol ko sa computer namin sa bahay as if nakadikit ang pwet niya sa upuan. Doon nga sa kwartong 'yon siya natutulog at madaling araw pa kung siya'y maglog-out dahil addict sa RO, both online at offline. Ang dami kong gustong ilagay pero outdated ang karamihan nun tulad ng pagiging 1st-time voter. Anyway, dapat may klase ako sa period na ito kaso hindi dumating ang prof. Pagkakataon ko na magblog.

***************************************************************

R.I.P.

SUMMER 2004


Ok, so applicable lang 'yan sa ngayon sa mga taga-DLSU at CSB pero aabot din iyan sa mga taga ibang school.

2nd year college na ako ngayon ngunit hindi ko pa nadadama na nakaka-isang taon na ako sa kolehiyo. Naka-dalawang subjects na ako (excluding yung subject ngayon na hindi dumating ang prof. Baka naligaw tulad ng Instud prof ko last year). Sa una, 2 ang blockmates ko doon. Sa ikalawa, 1 lang. Yung klase ko sa oras na ito, wala. Sigurado ako na makakasama ko ang mas marami sa 2 blockmates sa TH classes ko. Habang kaya kong tiisin na pumasok sa klase nang walang kakilala, hindi ko alam kung makakayanan kong kumain mag-isa every other day sa isang term. Buti na lang kaninang lunch break at kasama ko si Tina. Hindi guranteed na kasama ko siya lagi maglunch MWF kasi ang haba ng break niya't baka isipin na umuwi during break. Mula 10:20-2:30 break niya! May klase pa kasi ang karamihan sa blockmates ko during my break, as far as I know. Sa mga nagtataka, 11:30-12:50 lunch break ko =P

Maliban sa blockmates, nakita ko ang isang taga-Medics (special unit na kinabibilang ko sa ROTC) sa unang class. Nakita ko rin doon ang isang batchmate ko sa old school namin. Pagdating sa 2nd class, kasama ko sa section ang 2 sa kaklase ko nung 4th year. Ok sa 'kin na kaklase ko uli ang 1 pero ang kasama niya... ayoko sa kanya noon at ngayon. Hula ko hindi ako nag-iisa diyan sa sentiments na 'yan. Sa 2 subjects na 'yon, kasama ko uli ang isang irreg last term na iniiwasan ko dahil siya ang tipong wala pang ginagawa sa 'yo, naturn-off ka na. Tawag ng block namin sa kanya si "Kill me now" after an activity na sabi ng prof mag-isip ng possible topics related to a theme. Yung theme si Britney. Ayaw niya kay Britney kaya nagwhine siya sa prof namin na "Kill me now" with her American accent. Dapat marinig ninyo siya magtagalog, walang accent 'di tulad ng mga Fil-Ams na hindi marunong magtagalog bago magshowbiz. Ano 'yon?! Tapos, lagi siyang kumakapit sa kasama niyang guy na kaklase ko rin sa 2 subjects na iyon. Hinahatak niya yung kasama niya sa samahan siya sa kung saan-saan, maliban na lang sa banyo (hopefully). Kahit sa labas ng klase namin, lagi silang magkasama. Ewan ko kung sila "sila" pero unlike yung girl, ok naman yung guy. Between classmate ko nung 4th year at nung irreg, mas iniiwasan ko yung kaklase ko kasi isang taon ko siya dinanas at mas nakaharap ko ng harapan, if you get what I mean, 'di tulad nung irreg na laging nakatutok ang atensyon sa kasama niya at pagiging teacher's pet.

***************************************************************


Last Saturday, lumabas kami nina Jena, Liv, Keithly at Tina sa G4. Nanood kami ng Shrek 2. Guys, panoorin ninyo kung 'di pa ninyo napapanood. Nakakatawa talaga! May ticket pa kami na consumable within the next 6 months. Kumain kami ng Japanese, nagkwentuhan, nagpakuha ng barkada pic, naglibot, nagwindow shopping, may bumili ng hikaw (3 for 100! Ang cute ng zipper earrings ^_^), nagpapicture sa cellphone ni Tina (sayang, sira ang IR ng cell ko. Hindi mapadala yung picture sa telepono ko) at nagTimezone. Masaya ang araw nun, lalo na't nakita ko muli sina Jena at liv na hindi ko pa nakikita ever since pagkatapos ang Grad Ball, doon sa bahay ni Funyak. Nga pala, may kwento si Keithly. Yung blockmate niya nanood ng Troy. Sa harap ng blockmate niya, may magBF. Ganito ang usapan nila...

GF: Sino d'yan si Troy?
BF: Si Brad Pitt!

LOL!!!XD

revolutionized the world at 1:16 p. m. | | #