![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||||
ayah ennaA fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo) contentsblogslinkschatterboxweather pixiecredits |
![]() |
noviembre 23, 2004 Una sa lahat, gusto kong i-welcome sina Kaizen, Kakero, Bulalakaw at Psylentspyder. Hehe, for the past few weeks eh malakas ako magbloghop. Tatlong magkasunud-sunod na entries ko ang may kasamang plug. Sa tagboard ko nga eh meron din nagreply sa mga pinuntahan ko. Sayang nga lang at hindi ko na-enable yung textbox for URL sa tagboard kaya wala makakadrop ng URL ng blog nila dun. Kailangan idaan pa sa Haloscan eh hindi gaanong ka-obvious na meron ako nun. Hindi ko mabalikan yung iba kasi ang mga nabloghop ko eh yung mga nagtag sa tagboard ng sino man na nakalink sa 'kin na usually hindi pa na-add. Kapag natabunan na, hindi ko mabalikan unless naisipan i-add nung may-ari ng tagboard na 'yon yung blog nung tao. Hindi nga ako sigurado kung na-add din ako ng mga tao. Hehe, mukhang titigil muna ako sa bloghopping and let people come here. Ang dami ko rin gagawin eh. December 1 pa lang eh may tatlong projects akong due sa araw na 'yon; 2 ay para sa majors. Wish me luck.Kaninang tanghali ang online enrollment ko kaya ngayon gumagamit ako ng PC. Buti na lang at may naabutan pa akong free slot dito sa com lab ng Velasco (building ng college of engineering) kundi eh gagastos ako ng pera sa labas. Ok ang internet speed ngayon; hindi mabagal. Patayan talaga sa available slots ang mga tao, pareho sa PC at sa klase na kukunin next term. Ok sana ang sched ko except sa isang major. Hindi naman sa oras ang problema (alas otcho ang simula pero mas gugustuhin ko na pumasok ng alas nuebe) kundi sa prof. Prof ko sa Devpsyc ang magtuturo. Wala naman akong choice dahil sarado na yung isa pang section para sa subject na 'yon (2 lang ang sections). Haaayy... basta New Year's resolution ko ang bumangon ng maaga uli. Kung kelan nasa kolehiyo na ako tsaka ako tanghali kung gumising. Ilan beses na ako na-late sa Devpsyc (1st class, MWF), paano pa kaya next term eh 1st class din yung klase niya (TTh nga lang tapos mas maaga ^^')? Pinakapinoproblema ko nung nag-enroll ako kanina ay ang section na kukunin ko para sa Spiritual Development/Career Planning Workshop, or Orient2 for short. Sa ganitong bagay na nagaganap sa dalawang Sabado mula alas otcho ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, gugustuhin kong makasama sa mga kaklase ko, lalung-lalo na ang 5 kong kasama noong 1st year pa kami. Nagshift na silang 5 ng kurso; ako na lang sa 'min ang desididong ituloy ang Sikolohiya lang (LIA-COM yung 4 with Psych as their LIA. Yung 1 Com Arts na tulad nina Shuro, Funyak at Cwissy). Hindi ko sila makasama: may kinukuha sila na 'di ko kinukuha at may kinukuha ako na hindi kukunin nung 1, o kinuha na o sa susunod pa kukunin nung 4. Syempre may conflict kami ng sched. Sa Orient2 pa ako sigurado na makakasama ko pa sila kahit na nagkaroon ng gap sa 'min. Kahit blockmates na hindi nagshift eh iilan lang sila ang nagiging kaklase ko. I don't expect na kasama ko sila sa katangi-tanging floating ko next term. Literature 2 ang kukunin ko eh sila kinukuha nila ngayon. Nakakatawa na mas mapalad pa ang kabarkada ko na si Tina at kaklase pa niya ang mga 'yon kahit hindi sila malapit. Si Tina nga eh hindi ko pa nagiging kaklase sa majors. Kinabahan ako at kanina sarado yung section sa Orient2 kung nasaan ang block ko tapos biglang may umalis na 1 kaya nakapasok din ako sa same section. Balita ko dun din naka-enroll sina Cwissy. Hehehehe!! Err... sabog talaga ako ngayon. Paano, kinabahan ako sa online enrollment namin sa takot na masaraduhan nanaman ako ng lahat ng sections sa iisang subject. Ba't ba may priority enrollment?! QUICK UPDATE (dahil walang saysay ang gumawa ng bagong post para lang dito): Taena! Lumipat kahapon ng section sa Orient2 ang mga kaklase ko at ngayon ko lang nalaman. Sa adjustment ko pa mapapalitan ang sched ko dahil kahapon, Noviembre 24, 2004 ang last day ng online enrollment. Hindi ko alam kung may natira pa sa block namin other than myself dun sa section na naka-enroll ako. Hindi ko rin alam kung dun pa rin naka-enroll sina Cimber (dahil sa kanya ako nagtanong kung ano ang section nila noong Martes). Kung nandoon pa sila, ok pero pakiramdam ko eh ma-L.O. lang ako kasi malamang kasama rin ang college friends nila. I don't mind meeting and getting to know those friends though. Ang konsolasyon ko ngayon ay sabi ng isa kong blockmate na nakasalubong ko kanina na nasa same section kami sa Sikolohiyang Pilipino (Sikopil) na siyang tinuturo ng prof ko sa Developmental Psychology o Devpsyc. Ang tanong: lilipat pa ba kaya ako ng Orient2 section o hindi?
|
![]() |
||||
![]() |
![]() |
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |