A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.
(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo )
contents
blogs
links
Talk
in my flooble chatterbox, a free javascript chat tag board / shoutbox / tagboard program for your xanga, diary, blogger or weblog |
Read free logic puzzles on flooble
credits
diciembre 01, 2004
Nakuha ko ito sa e-mail. Padala ito ng blockmate ko. Enjoy! ^_^
PITONG GININTUANG ARAL NI MARIO
si mario ang idol ko.
kumakain ng gulay, pumapatay ng mga masasamang pagong, hindi
nalulunod, nakakasakay sa mga dinosaurs, nakakapagbuga ng apoy,
matinik sa tsiks, mayaman, maraming buhay, lumilipad, mabilis, bibo,
kayang sumira ng hollow blocks gamit ang ulo at higit sa lahat,
napapatay niya ang mga kalaban hindi dahil sa lakas ng katawan, ngunit
dahil isa siyang astig na nilalang.
para sa akin, nagawa na ni mario ang lahat.
umakyat siya ng mga matatayog na bundok, nilusob niya ang mga haunted
house na puno ng impakto, inaabot niya ang ulap, nagsscuba diving,
naninira ng mga kaharian. ginawa na niya ang mga pwede pang gawin ng
ibang mga characters sa laro.
hindi lang si mario ang nagsilbing inspirasyon at ang training ko sa
paglalaro ng video games, pero kahit sa buhay, siya ang naging idolo
ko.
1) tinuruan ako ni mario kung paano magmahal.
baket ba parating hinahabol ni mario si koopa? isa lang naman talaga
ang dahilan, kinikidnap ni koopa ang kanyang minamahal, si princess
toadstool. taenang koopa yan, ano kayang gusto niya don sa babaeng
yon? di naman niya nirarape.. skwater, nagpapahabol lang talaga siya
kay mario. pero ayon, si mario, ginagawa ang lahat para lang maligtas
ang kanyang minamahal.. kung walang pagmamahal si mario sa katawan
niya, taena, hinayaan na niyang mamatay o marape dati pa si princess
toadstool. tinuruan ako ni mario na ganon dapat magmahal. kung mayroon
kang taong iniibig, gagawin mo ang lahat, lulusubin mo ang kung ano
man para sa kanya.
may nakukuha ba si mario sa princess pag naliligtas niya yon? wala.
walang pera, walang buhay, walang extra stage. kiss lang. matapos ang
lagpas 20 na worlds at mga sampung stages bawat world, kiss lang ang
binibigay sa kanya. pero sa tingin niyo ba nagrereklamo si mario?
hindi. kasi ganon ang pagmamahal, dapat gawin mo ang lahat ng makakaya
mo, at wag kang umasa ng kapalit, wag ka umasa ng bayad. umibig ka ng
parang hindi ka pa umiibig buong buhay mo, kung magmamahal ka na rin,
mahalin mo na ng lubusan.
si mario ang nagturo sa akin niyan.
2) pag may tiyaga, may nilaga.
si mario ang pinakamatiyagang character na nakita ko. dadaanan niya
ang lahat, kukunin niya ang mga pwedeng makuha, kakainin niya ang
kahit na anong gulay, sasakyan niya ang kahit na anong dinosaur basta
lang makakatulong ito sa kanya. kung ako si mario, matagal ko nang
hinayaan si princess toadstool at naghanap nalang ako ng ibang babae.
meron naman sigurong ibang babae sa mundo niya. puta, hasel naman yon
kung wala.
nagtiyatiyaga si mario para makakuha ng isang daang ginto. isang daang
ginto para sa isang buhay. pinagtiyatiyagaan niya ang pagkuha ng 100
lives doon sa isang stage na kailangan mo ng dalawang pagong. kung
hindi niyo alam yon, kunin niyo nalang yung salita ko: MATAGAL YON. at
hindi lang basta basta nagagawa. ilang ulet kong ginawa yon para lang
makuha ng tama. pero si mario, kahit ilang ulet, pagtiyatiyagaan niya,
at sa pagtiyatiyaga niyang iyon, nakakuha siya ng maraming buhay.
3) pinakita niya sa akin ang totoong ibig sabihin ng brotherhood.
hindi masyadong halata sa game, kasi parati silang nagsasalit ng
pagkakataon maglaro, pero nagpakita si mario ng matinding sense ng
brotherhood. napakita niya rin na nirerespeto niya ang kanyang
kapatid.
kasi ganito ang storya niyan, si mario, kulay blue talaga dapat ang
costume, diba red and blue siya? dapat pure blue lang yon. kaya lang,
si luigi kasi, sobrang gusto ang green. nagpumilit si luigi na green
dapat ang sa kanya.. hindi nakipagaway si mario, hindi siya
nagpumilit, siya ang nagpalit ng kulay. ngayon, baket kailangan niyang
magpalit? kasi, alam nila ang ateneo lasalle rivalry, e ayaw ni mario
sumalungat, kaya gin awa nalang niyang red.
ganon niya kamahal ang kanyang kapatid. sinasakripisyo niya ang gusto
niyang kulay para lamang sa ikasasaya ni luigi.
astig talaga si mario.
4) siya ang dahilan kung baket ako kumakain ng gulay.
ilang beses na akong pinapakain ng gulay ng nanay ko noong bata pa
ako. pero kahit anong gawin niya, ayoko talaga. nung binigyan niya ako
ng family computer at super mario, dun lang ako nagsimula kumain ng
gulay. si mario kasi ang naginspire sa akin.
pag kumakain si mario ng mushrooms, lumalaki siya. pag kumakain siya
ng bulaklak, bumubuga siya ng apoy. tapos ginagamit niya ito para
matalo ang mga kaibigan. ang galing kasi napasok pa ni mario na ang
mga gulay, importante para matalo natin ang sarili nating mga
"monsters" sa buhay. napasok niya rin ang ideya ng healthy diet. inam.
5) dapat na maging tao tayo ng mundo.
lahat ng parte ng mundo, napuntahan na ni mario. bulkan, patag, dagat,
bun dok, ulap. parang pinapakita niya sa atin na dapat maging mas
malawak ang alam natin sa kapaligiran. hindi dahil nasa patag ka, at
komportable ka don, dun ka na parati.. porke taong bundok ka, hindi ka
na lalangoy sa dagat.
sinasabi ni mario na dapat alam natin ang lahat ng posibleng lugar at
maging ok tayo doon. pareho lang dapat ang pagtalon natin sa bulkan
man o sa patag.
matalinhaga ang linya na yan, hindi naman siguro kayo tanga para hindi
makuha yan diba? haha.
6) ang paggamit ng mga bagay sa paligid ay importante sa sariling paglusong.
ang resourcefulness ng tao. ginagamit ni mario ang mga bagay sa
kanyang kapaligiran para sa sarili niyang kabutihan. naiisip niya na
pwede palang gamiting ang shell ng pagong para pampatay sa iba pang
pagong. nakita niya na pag nahawakan niya ang bituwin, magiging
imposible siyang tablan ng mga halimaw.
pinagmasdan niya ang kapaligiran at nakita itong makakatulong sa kanya.
7) ang panghuli, ang paggamit ng utak.
nakita niyo naman na si mario, hindi nakikipagsapakan. hindi gumagana
ang apoy niya sa mga boss. pero natatalo parin niya ang mga ito.
pano niya nagagawa yon kung wala siyang lakas ng braso at mga armas?
pinapagana niya ang makinarya sa utak niya. ginagamit niya ang lahat
ng kanyang natutunan at kaalaman.
dito na pumapasok ang lahat ng konsepto. nadadala siya ng pagmamahal
niya sa kanyang princessa. binubuhos niya ang lahat ng kanyang
makakaya para sa kanyang mahal. hindi basta bastang namamatay si
koopa, kaya talagang kailangan niya itong pagtiyagaan. kumukuha rin
siya ng lakas ng katawan at isipan sa kanyang kapatid. inaalala niya
ang pagkapula ng suot niya at naaalala niya ang kanyang pagmamahal kay
luigi. ang pagkain niya ng gulay ang naghahanda sa kanya sa pagsubok
na ito. binibigyan siya ng lakas ng katawan at tatag ng tuhod. ang
pagiging tao ng mundo ay ang naghasa sa kanya p ara makaaksyon at
makapagisip siya, kahit sa mga hindi komportableng sitwasyon. at ang
paggamit niya ng bloke sa paligid o ang pagbalik ng mga tira sa
kalaban ay nakikita niya dahil siya ay magaling magmasid ng
kapaligiran.
ang galing talaga ni mario, at hindi dapat ito basta basta lang
kinakalimutan o hinahayaan.
lumipas ang mahigit sa labing tatlong gaming na taon sa mga taon ko.
at sa dami ng mga laro na nalaro ko na, bumabalik lang lahat ito sa
mario.
kaya nakakaasar yung mga bata ngayon e. dahil lang maganda ang
graphics at maraming sumasabog, ayos na. kaya nga pag may bata akong
nakikita tapos parang ewan yung ginagawa niya, sasabihan ko ng "hoy
bata, mag mario ka muna.." kasi yun talaga ang simula ng lahat. hindi
pacman, hindi bomberman, mario.
si mario ang idol ko. kung hindi dahil sa kanya, ibang tao ako ngayon,
kung wala siya, malamang nawawala na rin ako, parang mga bata ngayon
na walang alam sa mga ginagawa nila.
revolutionized the world at 1:31 p. m. | | #