ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

septiembre 23, 2005

  It's been two weeks since the second term began and I feel that starting next week, things WILL get very serious. I need to make up for last term's disaster. I've also finally got myself a thesis mate last week (and at the last minute too. Phew!) and had a meeting with our mentor a while ago.

About my thesis mate, it's a guy. We're not close and I hope the situation does not turn into that of Syun's. It would have been better if there was a third member in the group but at least I'm not going to do this alone. I really don't think I can write a thesis on my own kaya bilib ako dun sa isa sa 'min na nagsolo talaga. Napansin ko rin na iilan din ang mga grupo na dalawa lang ang miyembro. Yung iba raw gusto nila silang dalawa lang.

Naging kaklase ko dati sa ibang subjects ang thesis mate ko pero hindi kami masyadong nag-usap noon. Ang first impression ko kasi sa kanya eh tipong slacker. Paano naman eh lagi siya papasok na mukhang nakapambahay with the shorts and slippers plus the long hair na laging nakalugay. As my mom would probably put it if she meets him, mukha siyang marumi/madungis. He seems to be the kind na ok na basta pasado. Later, nalaman ko na kaguild niya pala sa Ragnarok yung kapatid at pinsan ko. Small world! Hindi ko alam kung adik pa rin siya sa paglalaro since I don't think he and my brother & cousin keep in touch after nagquit yung latter two ng RO. However, I think he'll put some effort in writing our thesis since he suggested our topic: motivation towards academics ng grantees of the Student Financial Assistance Program. Hindi pa ito yung final topic namin but it's a start. I would've start checking theses with similar topics (working students, scholars) today kung walang klase dun sa Psych lab since nandun ang mga 'yon. Our mentor also suggested that we should set an appointment with the director of the program and talk about concerns involving the grantees which may be used for our study. Kung hindi pa kami satisfied diyan, sabi ng mentor namin na baka gusto namin talakayin ang mga estudyante na young parents din, particularly young fathers dahil may study na raw about young mothers.

Never ko naging prof before ang mentor namin pero I haven't heard any negative comments about her. Mabait daw sabi ng thesis mate ko (naging prof na niya dati yung mentor namin). Mukha naman. Sa labas ng Psych department, may listahan ng mga grupo with their topics, mentor at reader. Sa dulo ng listahan, may table kung saan nakalista kung ilan groups ang bawat prof ay mentor at reader. Dun sa mentor namin, kami lang ang hinahandle niya for mentoring. Ang tingin ko dito ay pressur... este, motivation to do this thesis very well. Gusto niya na every week, may meeting at a particular day at time para malaman ang progress namin. Mukha talagang babantayan kami nito. Kung may kailangan kaming gawing iba sa timeslot namin, i-text namin siya na hindi kami makakapunta tsaka magsched na lang ng ibang araw o oras ng meeting para sa linggong 'yon. Naku, needed pressure indeed.

Dun naman sa subjects at profs ko for this term, wala pa akong masabing negative. I can't complain na nagbigay ng surprise quiz kahapon yung isang prof ko since pinaalam niya sa simula ng term na maari siya magbigay ng surprise quiz anytime. Surprise quiz nga at ganitong kaaga na meron na. Yung mga tanong ay tungkol sa lesson na 'di pa tapos i-discuss pero expected ka naman magbasa in advance. Sa subjects ko ngayon...

...napabasa ako ng dalawang Greek tragedies. Hindi lang summaries binasa ko, pati rin translated scripts. Both tragedies were not boring
...may papanoorin ako bukas sa CCP at may papanoorin ako sa UP Diliman sa Linggo
...magrereport na kami sa Lunes. Tapos na ako magriserts =P sa part ko
...napasabi ako na agnostic ako nung una but I don't think that I really am. Being a Deist (kung tama na tawagin ang tao na naniniwala na absentee god si God ng ito) is more like it
...kung anu-ano ang naisusulat ko sa Filipi3; ang korny ng mga gawa ko

Dito magtatapos ang entry na ito. Sisilipin ko kung available na for download ang chapter 277 ng Naruto manga. As for the Gmail invites *points below*, tuloy pa rin ang offer ^_^

revolutionized the world at 4:26 p. m. | | #