ayah enna

A fresh grad who finds herself waking up after lunch (GMT+8, mind you). She is into videogames, anime & manga , certain book genres, a bit of music, and dogs. An introvert, she is generally slow in warming up unless she sees that a person has at least a common interest. She knows too little of HTML so she had to download this pre-made layout.


(It's really more of me being invisible, on SMS or using meebo)

contents

blogs


links

chatterbox

weather pixie

The WeatherPixie

credits

marzo 07, 2005

  Nagalit sa 'kin ang ate ko kanina. Hindi ko kasi siya sinasagot. Nagmukha akong walang pake kaya sinabi niya sa 'kin "WALA KA NA IBANG INISIP KUNDI SARILI MO!" (syempre, pasigaw 'yan). What else does she expect from me na kanyang ginising by shouting "NAKAKAINIS KA!"? Lagi na lang ganyan ang away namin that it pisses me off. Nothing new. I admit that I did something wrong and that's sleeping late when we all know na may klase ako ngayon at maaga ang pasok ko. Ang plano eh sasabay siya sa 'kin papasok tapos dapat nasa opisina siya by 8. Nagsisimula ang klase ko ng 9:20. Nagising na ako ng 7:30. Kung ganyanan lang dapat hindi na niya ako hinintay. Gastos nga sa gasolina pero ayoko naman lumala ang away. Maliit itong bagay nguni't sa palagay ko lagi nacacarry-over yung inis niya sa 'kin sa huli namin away sa bago kaya ayoko talaga siya makaharap 'pag galit siya. Kulang lang talaga ako sa pakikipagkapwa-tao *sighs*.


*****************************************************

Here I am, still busy, still procrastinating. Well, it's not as bad as the other terms because most of things I need to do are group works. Kailangan may mapasa akong input o lagot ako sa mga kagrupo ko. Feel ko nga mas tamad pa sa akin yung ilan sa mga kagrupo ko.


Sa katamaran kong pagbutihan pa lalo ang mga ipapasa ko, nadiscover ko ang Anime-Source.Com (sabay daw pinagsabihan ng mga anime/manga otaku "Ngayon mo lang nalaman 'yan?"). Daming info; kahit listahan ng upcoming anime meron. Wah! Gusto ko mapanood yung Tsubasa (Reservoir) Chronicle anime. Miss ko na ang pagbabasa ng mga scanlations nito at ng XXXholic bago sila na-license ;_; Nadiscover ko ito dahil naghahanap ako ng scanlations ng Death Note. Maganda raw ito, sabi ng mga nabasa kong fan reviews in some of the forums na nadadaanan ko besides the ones na naka-link sa blog ko (naka-link = member ako doon). The nice thing about the website is that you can view the scanlations without downloading them. Dami rin interesting titles na available din dun tulad ng Full Moon wo Sagashite, Kimagure Orange Road, Monster, My-HIME (lahat ng nabanggit ko so far may anime na; yung last 2 ongoing pa, see Memento), etc. Sayang at hindi ko naabutan ang Full Metal Alchemist manga T.T Para sa'kin, ang gusto kong subukan ay ang Death Note, FMwS (dahil pinag-iintriga ko na ito since last September at maganda raw ang anime, sabi ni Syun), Pretty Face (dahil nasimulan ko na siya basahin ito bago ko pa nalaman ang site)... I'll definitely check out the other public ones 'pag natapos ko na basahin ang mga ito at ang Yami no Matsuei scanlations na nakasave sa kompyuter ko matagal na. Sa mga nagtataka, hindi ako nakakanood nito dati nang may AXN pa ang Destiny Cable. Kailangan ko rin hanapin uli yung pinagdownload ko ng Mantantei Loki Ragnarok scanlations at nawala ang mga iyon nang i-reformat ang PC namin. Hehe, mukhang handa ako para sa bakasyon ^_^

revolutionized the world at 11:34 a. m. | | #